CHAPTER 23- (LAST TIME)

0 0 0
                                    

After our teacher gave us our assigned pages in the book per group for reporting, the bell rang, indicating that it’s already time to have recess.


While all of our classmates are very enthusiastic to go to the canteen and to finally settle down their growling stomachs, Kate and I seems like not enjoying it. It feels like having a recess is not a good idea, well I think it’s just for us who both treating each other with a cold shoulder.


Halos nakalabas na ang karamihan sa mga kaklase namin pero hindi pa rin kami tapos parehas ni Kate sa pag-aayos ng mga gamit namin. Parang parehas naming sinasadya na bagalan ang mga galaw ng bawat isa. Nakalabas na lahat ng mga kaklase namin, saka pa lang kami natapos sa pagliligpit ng mga gamit namin. No one dared to talk between us. We just remained quite. Parehas nagpapakiramdaman.


After some time, I got shocked because Kate just suddenly stood up, but she just stood there doing nothing and facing his back at me. She’s stomping her foot like she’s waiting for something and I can see that she’s being impatient about it. I was then again got shocked because she just harshly pull the bag with her and stormed out of the room. I was just staring at her the whole time, and now at the door, even though I haven’t seen her shadow anymore.


Napabuntong-hininga na lang ako. Inabot pa ako ng ilang minuto bago nagpasyang lumabas na rin para mag-recess.


Pagkarating ko sa canteen, pakiramdam ko may nag-iba, kahit wala naman talaga. Wala pa rin naman kasing pinagbago rito. Hindi pa rin naman nag-iba ang interior ng canteen. Same familiar faces pa rin naman ang mga nagtitinda rito. Marami pa rin naman ang pila every stalls. Students still come and go here. Their different topics, some mumbled talks but mostly them talking aloud, all added to the usual noisy canteen. O baka pakiramdam ko lang na may nag-iba kasi may nag-iba sa amin ng mga kadalasan kong kasama dito sa school, partikular na dito sa canteen. Kasi kung dati, isa ang grupo namin sa mga estudyante na kung makapag-usap akala mo nasa mag-kabilang bundok, ngayon, ako na lang mag-isa. O kung may nag-iba man dito, siguro yun yung mga pagkain na tinitinda nila. At least kahit papano may nag-iba. At least kahit papano medyo tama ang pakiramdam ko.


Habang nakapila ako dito sa canteen, patuloy ang pag-ikot ng mga mata ko at naghahanap ng mauupuan. Marami kasi ang mga estudyante ngayon kumpara sa mga nakaraang araw. Baka mawalan pa ako ng mauupuan.


Talaga ba?’ pag-epal na naman ng aking other self.


Okay sige, aamin na ako. Kaya panay ang ikot ng mga mata ko at hindi mapirmi sa isang bagay, kasi nagbabakasakali ako na makita ko sila. Nagbabakasakali ako na baka kahit may mga hindi kami pagkakaintindihan ay sabay-sabay pa rin kaming magre-recess, lunch at uuwi, katulad ng dati. Pero dati na 'yon. Iba na ang nangyayari sa kasalukuyan at hindi ko alam kung ano pang mangyayari sa hinaharap.


Nakatapos na lang ako sa pag-order, ni anino nila hindi ko nakita. Kaya tulala akong naglakad papunta sa mesa na bakante na nakita ko kanina. At sa kamalas-malasan pa, sa mesa pa na madalas naming inuupuan. Wala naman akong ibang choice kundi kumain na lang dito kasi bawal kaming kumain sa loob ng room, to maintain the cleanliness and orderliness of the classroom daw. Kung sa may mini park naman dito sa school, paniguradong pulos mga mag-jowa lang ang nandun. My insecurity about them will just triggered. Kung sa may court naman kung saan may mga benches, it would be weird if I was seen eating there. And for sure again, the school’s athletes are training in there so it would be very awkward for me. Maliban na lang kung may kakilala ako sa mga nag-te-training, but unfortunately, none. So, there’s no other option but to only eat here.


Ngayong nakaupo na ako, paunti-unting inuubos ang pagkain na para bang wala kaming sunod na klase, at habang nililibang ang sarili sa pagtingin ng mga ginagawa ng ibang mga estudyante dito sa canteen, parang nananadya na talaga itong si tadhana. At first, it let me feel a hollow feeling inside me. The next day, it made me so happy to the point that I don’t want that days to end. That if possible, time would just stop and thought of wanting to just live forever on that timeline. Kung kelan akala ko wala nang katapusan ang mga araw na yun, saka hindi pa nagkatotoo. Because this is me again, hurting silently and with that void and hollow feelings being so energetic, alive and kicking again. Totoo pala talaga ‘yon no? Na hindi pala talagang maganda na lagi kang masaya, kasi darating ang araw na labis ka namang iiyak at malulungkot. Nakakatakot. As much as possible, I don’t want to go through that again.

𝓝𝓸 𝓙𝓸𝔀𝓪? 𝓝𝓸 𝓟𝓻𝓸𝓫! (𝖤𝗆𝗉𝗈𝗐𝖾𝗋𝖾𝖽 𝖶𝗈𝗆𝖾𝗇 𝖲𝖾𝗋𝗂𝖾𝗌 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon