CHAPTER 8- (STRANGE)

3 0 0
                                    

Haayy!” I yawned. I still feel sleepy. Nakalimutan namin na may pasok pala ngayon. Today’s monday anyway. At kahapon, linggo, gaya ng napag-usapan, sa bahay kami nila Kayla nagbonding. Halos abutin na kami ng hating-gabi, but when both of our parents realized that it’s already late, ayun tinigil na namin yung bonding time namin at nagpasyang magpahinga na.


Naku, mare. Magha-hating gabi na pala,“ si mama galing sa kwentuhan at tawanan nila ni Aling Lal, biglang napatingin sa orasan.


Aling Lal also looked at the wall clock and is now sporting a shocked expression on her face.


Naku. Ang bilis ng oras. Hindi natin namalayan na mag-ha-hatinggabi na pala. How I wish time would stop so we can spend more time bonding,“ biglang nalungkot ang boses ni Aling lal. Parang kanina lang nagtatawanan pa lang sila pero ngayon mukhang magda-dramahan na sila. Uh-oh.


Hahaha. Hon, sa kabilang bahay lang naman yung bahay nila kumpare. This will definitely not the last time that we will have our bonding time, actually, we can do that again anytime,“ pag-aalo ng asawa ni Aling Lal sa kanya.


Bigla namang umaliwalas ang mukha ni Aling Lal. “Ohh, I forgot about that. Hehe,” his husband laughed at her but after that, he kissed her in the temple. Aling Lal just giggled.


I rolled my eyes. Why do I suddenly surrounded by lovers? Mauna na kaya akong umuwi?


Hahaha. Tama si kumpare. Magkapit-bahay lang naman tayo eh. We can bonding anytime,” nakangiting sabi ni papa.


Everyone now agreed. Or not. Kasi yung magaling kong kapatid at si Kayla, mukhang wala atang narinig. They just kept doing what they are doing. Kanina pa sila nagbubulungan diyan. Tapos biglang ngingiti sa isa’t-isa at mahinang magtatawanan. Tapos kung kanina yung kamay ng kapatid ko nasa sandalan pa ng sofa, ngayon, nasa baywang na ni Kayla. Hokage moves from my brother everyone.


Oy, Alex, uuwi na daw,” pagtawag ko sa magaling kong kapatid. Pero mukhang nabingi na ata ang kapatid ko simula nang magkajowa. So time to do the plan B. Nilapitan ko yung dalawang mag jowa. Pagkalapit ko, pinitik ko ang tainga ng kapatid ko pero mahina lang naman, I think so. Haha.


Aray ko naman ate!” reklamo ng kapatid ko habang himas ang pinitik kong tainga niya.


OA ha. Mahina lang naman yung pitik ko sayo noh. Btw. Uuwi na daw. Ipagpabukas nyo na yang landian ninyo. Hindi ba kayo nagsasawa?” tanong ko sa kanila.


Syempre, hindi ate," nakakunot-nuong sabi ng kapatid ko.


Nope,” Kayla just simply said with a smile.


Jusko naman. Malapit na kayong magkapalit ng mukha oh, Hindi pa rin kayo titigil?” I rolled my eyes at them.


Hahaha. It’s already late Alex, tama ang ate mo, ipagpabukas ninyo na lang yan,” si papa.


I made a face to my brother before I say, “told yah.” My brother just glared at me before whispered something at Kayla and kissed her forehead. Kayla just nod her head and laugh.


Nung nasa pinto na kami, may pinahabol pa si Aling Lal.


Ahm, mare, pwedeng mag-request?


My mother looked back at Aling Lal and smiled. “Oo naman, ano yun?


Since mag-boyfriend at girlfriend na naman ang mga anak natin, bakit hindi natin ibahin yung tawagan natin sa isa’t-isa? Instead na mare lang, mag-balae na lang kaya? Alam ko namang dun din naman patungo yung dalawa kaya i-advance na natin,” si Aling Lal.


My mother smiled widely at Aling Lal and say, “Oo naman, balae,” sa sobrang saya nung dalawang mag-kumare, ay este, mag-balae na pala, halos mag-iyakan na sila habang magkayakap. Natawa na lang si papa at yung asawa ni Aling Lal. Si Kayla naman, nung tiningnan ko, ayun namumula ang mukha. Habang ako naman, siniko ko yung kapatid ko at binulungan.


Yieee. Alam kong gusto mo yorn. Balae na agad kasisimula pa lang ng pagiging official niyo,” instead of answering, kinamot na lang ng kapatid ko yung batok niya habang namumula rin.


Sige na, we better get going. It’s already getting more late,” si papa.


Bye, balae,” si Aling Lal.


See you tomorrow, balae,” si mama.


Yung dalawang mag jowa naman, they just smiled sweetly at each other.


Hindi ko namalayan na nasa pinto na pala ako ng classroom namin sa sobrang pag-to-throwback ko. So, I decided to enter our classroom now. Buti na lang kahit late na kaming natulog kagabi, nagising pa rin kami ng maaga at hindi na-late sa school at sa trabaho. All thanks to our body clock. Pero hindi pa rin talagang magandang magpuyat eh. At Isa pa, inaantok pa nga rin ako.


Pagka-upo ko sa upuan ko, diretso subsob sa desk ang ginawa ko sa ulo ko. Inisip ko matutulog muna ako since late na naman si ma’am. Pero hindi talaga ako nakatulog. Maski idlip man lang. Because I’m feeling there’s something strange today.


Pagkatingin ko sa katabi ko, she’s the one whom I’m pertaining as strange. Hindi kasi ako ginugulo ni Kate, hindi tulad ng lagi niyang ginagawa. Busy ang gaga sa cellphone niya tapos pangiti-ngiti pa. Tatanungin ko na sana siya bakit parang may nag-iba kaso sakto biglang dumating si ma’am so I just decided na mamaya na lang.


Good morning Amarah,” bati sakin ni Kate bago magsimula si ma’am. Tinago na niya kasi yung cellphone niya kasi kung hindi niya yun gagawin, panigurado mako-confiscate yon ni ma’am pag nagkataon. Since hindi na siya abala sa cellphone niya, napansin na rin ako ng gaga.


Good… morning… din…” bati ko sa kanya pabalik. Pinasingkit ko pa yung mata ko to let her know na may napapansin ako. Pero hindi na nakita yun ni Kate kasi nakatingin na siya sa unahan habang may sinusupil na ngiti.


Kaso hindi talaga ako makatyempo na makausap siya every matatapos yung klase kase mabi-bilis lang na dumating ngayon yung mga teacher namin which is also strange. Pero si Kate, nakakahanap parin ng tyempo para magkalikot ng cellphone niya. So sabi ko na lang ulit sa sarili ko, mamaya na lang na recess. Pero hindi din nangyari yung plano ko. Kasi sabi ni Kate sa akin, hindi daw muna siya sasabay sa aking mag-recess. And that’s really strange of her.


𝓝𝓸 𝓙𝓸𝔀𝓪? 𝓝𝓸 𝓟𝓻𝓸𝓫! (𝖤𝗆𝗉𝗈𝗐𝖾𝗋𝖾𝖽 𝖶𝗈𝗆𝖾𝗇 𝖲𝖾𝗋𝗂𝖾𝗌 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon