05 | Deity Parent

519 57 23
                                    

"Anong gagawin sa banquet hall?" tanong ko kina Amari. Kakaalis lang namin sa opisina ni Headmistress Adhira at sinabihan niya kaming dumiretso sa banquet hall.

"This is where you get claimed, love! As your deity parent acknowledges you, you'll also receive your grace! It could be money, power, a weapon and more," paliwanag sa'kin ni Talia habang nakangiti. Pero ilang segundo lang, napawi ang ngiti niya dahil binatukan siya ni Callie.

"Puro allowance nasa isip mo," saad nito na ikinasimangot ni Talia.

Marami pa silang ipinaliwanag sa'min. May tatlong category daw ang mga klase nila. Ang Elysian Class, Asphodel Class at Tartarus Class.

Ang Elysian Class ay ang protectors ng academy. Sila ay mga anak ng higher gods katulad ng Olympians. Binibigyan sila ng mga misyon dahil direct descendants sila. Nalaman ko din na may pitong miyembro sila sa ngayon pero dahil nadagdag kaming dalawa ni Ali ay magiging siyam na kami.

Sana mabait sila.

Kaya daw din pala sila kulang ngayon ay dahil nasa misyon pa daw ang boys. Tuwang-tuwa nga sina Callie dahil nanalo sila sa pustahan kung sino ang unang matatapos sa kani-kanilang gawain.

Sunod naman ay ang Asphodel Class. Direct descendants naman sila ng minor gods. Ngayon ko lang din napansin na galing sa realms ng underworld ang pangalan ng mga klase dito.

Tartarus Class, ito daw ang pang-huli. Ang mga estudyante dito ay indirect descendants ng mga diyos at diyosa. Dito rin isinasali ang mga oracle, keeper ng mga temple at mga demigod na unclaimed.

At dahil nasa Elysian Class kami ni Ali, ibig sabihin anak kami ng mga Olympian o ng higher god o goddess. Ang tanong... sino sila?

I really hope I can meet them later.

Napatigil ako sa pag-iisip nang mapagtantong nandito na pala kami sa banquet hall. Parang ang haba nang nilakad namin, ah? Kanina pa kaming nagkwekwentuhan dito pero ngayon lang kami nakarating.

"Sabi ko sa inyo, dito eh!" sigaw ni Tazyn. "Hindi kayo nakikinig."

Ah, kaya pala nagtagal kami. Naligaw pala sila.

Binuksan ni Amari ang pinto at bumungad sa'min ang isang magandang hall. It was extravagant. There were a lot of white table-clothed circular tables and chairs. Sa gitna naman ng kisame ay isang chandelier. Gems were seen dangling from it.

Totoong diamante kaya ang mga 'to?

May lamesa din sa baba ng chandelier kaya aalalahanin ko na hindi ako dyan uupo mamaya. Natatakot ako na baka mahulog tas sa'kin ang bagsak.

Maganda ang lahat... pero ang nakakuha ng atensyon ko ay ang mga statue na nakapatong sa stage na nasa dulo. There were fourteen statues. The Olympians plus Hades and Hestia.

Kasali si Hades sa big three kasama sina Zeus at Poseidon pero hindi siya isang Olympian dahil sa Underworld siya nakatira at hindi sa Olympus.

On the other hand, it was either Hestia or Dionysus who would take the twelfth throne in Olympus but Hestia gave it up because she didn't want competition.

Well, yun ang alam ko.

"Hala, late na naman tayo. Nagsisimula na pala," reklamo ni Tazyn. Nakanguso siya at parang gusto ko nalang siyang ibulsa.

"Ang bagal kasi ni Callie!"

"Ako? Baka nga ikaw eh!"

Habang naglalakad, tinakpan ni Amari ang mukha niya gamit ang librong hawak niya. Katulad ng anak ni Athena, tinakpan ko na din ang mukha ko pero gamit ang kamay. Wala naman kasi akong dalang libro eh.

Embracing Chaos (#1)Where stories live. Discover now