04 | Home At Last

Beginne am Anfang
                                    

Tinignan ko ang labas at agad akong namangha. It truly looked like the world I imagined it to be. May mga lumilipad na pixies at may mga centaur na nag-aayos ng mga gamit.

Centaurs are half man and half horse.

Sa harapan ko naman ay may malalaking building. It was guarded by a silver gate inscripted with some Greek words I couldn't read. Nandito rin ang simbolo ng akademya.

"για να προβλέψει κανείς το μέλλον, πρέπει να το δημιουργήσει."

Ano kayang ibig sabihin nito?

Napansin ko na pinagbuksan kami ng ilang centaur para makapasok. Nandito na kami.

"This is Elysium Academy, Deia." After closing her book, Amari looked at me. Her eyes held a sense of pride. "I hope you'll enjoy your stay here."

Napangiti ako dahil sa sinabi niya. "I have a feeling I will."

David continued to drive until we stopped. Nauna siyang bumaba at kinuha ang mga gamit namin. Inabot niya lamang ito sa ilang mga aurai at sila na ang nagdala ng mga ito papasok.

"Let's go." Naunang bumaba si Amari at sumunod sa kanya si Callie, Talia at Tazyn.

Dahil sa nangyayari ay nagkatinginan kami ni Ali. Nginitian niya ako. "After you."

Tinignan ko ulit siya nang ilan pang segundo bago bumaba. Maraming demigod ang nagkalat sa academy dahil magsisimula na ang pasukan. Nang mapansin ang mga kasama ko ay agad silang tumungo bilang pagbati.

Nagsimulang silang maglakad sa pangunguna ni Amari. Nakasunod lang kaming dalawa ni Ali na hindi alam ang gagawin.

Every step the four demigods in front of me took, the ground shook. They made sure everyone was aware of their presence. It was dominating, suffocating... and powerful.

They were children of the Olympians, after all.

Nakakatakot sila.

"Deia, honey, come here!" pagtawag sa'kin ni Talia. Bahagya nalang akong napatakip ng aking mukha dahil mukhang napalakas nang konti ang boses niya.

Nasa harapan siya ng isang pinto. Ano naman tong kwarto na 'to?

Pinihit ni Callie ang doorknob at siya ang unang pumasok sa loob. Sumunod sa kanya si Talia, Tazyn... tapos si Ali.

Pinagpawisan ako ng konti nang mapagtantong naiwan kaming dalawa ni Amari.

Athena's daughter had a terrifying presence. Nakakatakot ang aura niya. Seryoso siya pero halatang matalino.

I flinched when she looked at me. Napataas pa ang kilay niya nang mapansin ang pagkagulat sa mukha ko. "Why aren't you going in?"

"Why aren't you going in?" tanong ko pabalik. Sa taranta ko ay kung ano ano nalang ang sinagot ko.

She snickered. "Regarding your question awhile ago, this is the headmistress' office." Bahagyang nanlaki ang mata ko nang marinig ang sinabi niya. She smirked. "Let's go inside, follow me."

Teka, nabasa niya ba isip ko?

Paano kung oo?!

Oh my gods... anak nga pala siya ni Athena. Bakit hindi ko naisip yon?

Nahihiya akong sumunod sa kanya at pinilit na wag mag isip nang kung ano ano. Napahiya na ako kanina, hindi na ako pwedeng mapahiya ngayon.

Nasa isang malaking opisina kami. Dumako ang tingin ko sa babaeng nakaupo sa gitna. A wooden table was in front of her as she elegantly sat in her swivel chair.

Tinignan ko naman ang isang picture frame na nakadisplay sa likod niya. It was her portrait. It seemed like she was in her early thirties, but she looked like she embodied beauty itself. Kahit medyo tumatanda na siya, maganda pa rin siya dahil sa kinang ng kanyang kulay rosas na mata.

At sa baba, nakita ko ang pangalan niya.

'Headmistress Adhira, daughter of Zeus, second generation protector of Elysium Academy.'

Namangha ako sa kanya. Anak na nga siya ni Zeus, naging protector pa siya ng academy.

She was terrifyingly beautiful.

Ngumiti sa'kin yung headmistress. Ako nalang ang nakatayo sa'ming lahat kaya umupo nalang ako sa tabi ni Ali. "You took your time, huh?" sarkastikong bulong nito sa'kin nang makatabi ako sa kanya.

"Wag ka munang maingay." I groaned. "My pride can't take this," naiinis na sambit ko.

I valued my pride more than anything. I hated losing. Kaya sa tuwing natatalo ako sa paglalaban namin ni Mira ay napapasimangot ako tapos sasabihin lang lagi ni Mira na galingan ko sa susunod.

In the end, I've never won a battle against her.

Ay, teka... nababasa ni Amari ang isip ko, diba?

Para itago ang kahihiyan ko, lumingon nalang ako kay Headmistress Adhira na nakangiti sa'kin. "You got your looks from your parents," komento niya. "The man beside you isn't lacking in anything either. Ali, right?"

Nahihiyang tumango ang katabi ko.

"You're so right about that, Headmistress Adhira! I can't believe these two gorgeous demigods are my classmates!"

I unconsiously looked at my pin. It has the letter 'E.' Sino ba talaga ang Elysian Class? All I know is that they're sent to missions because they're children of the Olympians. Maliban doon, wala na akong impormasyon sa kanila.

"Right. You are the new additions to the Elysian Class. Your name is Deianeira Sage, isn't it?" Napatango ako sa tanong niya.

"The man beside you is Mr. Davis. You are both from the mortal realm, correct?" Tumango kaming pareho. "You also don't have any idea who your deities are?" Tumango si Ali.

Tango lamang kami nang tango. Para kaming mga sira dito.

She gazed at us with a look I couldn't decipher. A few seconds later, she stood with elegance. Sa bawat hakbang niya ay tanging tunog ng takong niya ang naririnig ko.

Lumapit siya at tinapik ang mga balikat namin. "Welcome home, my children. I have been waiting for you."

"Welcome to Elysium Academy, the school for demigods. A safe haven for half bloods like you."

Embracing Chaos (#1)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt