Chapter 19

1.7K 69 4
                                    

---

Seinna

"Taga saan ka nga pala, Cola?" tanong ko habang tinitingnan s'yang maganang kumakain ng spaghetti. "Saka, ilang taon ka na?" Dagdag ko.

Nandito kami ngayon sa loob ng isang fast food chain. We brought her here when I heard her stomach growled in hunger.

Naawa ako at dahil nasa bandang malapit lang itong kinalalagyan namin ngayon, dinala namin s'ya dito. I couldn't forget how her eyes glimmed in happiness and excitement the moment we entered this place.

Azi was sitting beside me silently. He was playing with my braided hair, may minsan pang nahuhuli ko s'yang inaamoy-amoy ang buhok ko habang gumagala ang mga mata sa bandang likuran ko.

Hinayaan ko nalang siya sa ginagawa niya dahil alam kong nabobore na naman siya.

Ang kanang kamay niya ay nasa sandalan ng upuan ko nakalagay kaya tila nakaakbay siya sa akin kahit na hindi.

"D'yan lang po sa may tabi, Ate. At ganito na po ang edad ko," binaba niya ang kutsara't tinidor bago ipinakita ang apat niyang daliri.

Ngumiti ako.

"Apat na taong gulang ka na. Ikaw lang ba mag-isa? Nasaan na ang mga.. magulang mo? At may mga kapatid ka ba?"

Lumunok muna siya. Pansin ko ang pagdaan ng lungkot sa mga mata niya.

"Si papa nasa kulungan. Nakulong po s'ya sa salang pagnanakaw. Si nanay naman may sakit. At wala na po akong kapatid, ate ganda. Namatay po s'ya nung nakaraang taon."

Napakurap ako, "B-Bakit?"

Nagkibit balikat siya, "Na-dengue po, eh."

Natahimik ako at nagpatuloy siya sa pagkain. Sa murang edad niya, ganitong klase na ng buhay ang kinakaharap niya.

When I was in her age, I was still enjoying my milk every morning and night. Watching cartoon movies while eating cookies my mom baked.

Habang si Cola, siguradong ni pambili man lang ng isang swak ng gatas ay hindi niya kaya dahil sa hirap ng buhay niya. Her father was in jail. Her mother is currently sick. At namatayan pa siya ng kapatid.

At kanina.. namamalimos siya.

Napuno ng awa ang puso ko para sa kanya. How could a child like her still survive the cruelty of this world? She's still a child.

Paano niya nakayanan ang ganitong klase ng buhay? she's still fragile and should have been in a playground playing her childhood.

Her brain is still developing. Paano kung may masamang mangyari at ma-trauma siya? I hope it won't happen. She's still fragile and needs to be care of.

I hope god will protect you when no one does..

Napalingon ako kay Azi nang bigla s'yang tumayo. He was looking at the counter bago sa 'kin. Masyadong s'yang matangkad at naka-upo pa ako kaya kinailangan ko pa s'yang tingalain ng todo.

Pakiramdam ko, halos mabali pa ang leeg ko maabot lang sa paningin ng mga mata ko ang mukha niya.

"Bakit?" Nagtataka kong tanong.

"Mag-o-order lang ako ng take out para sa kanya at ng nanay niya," lingon niya kay Cola na abala pa rin sa pagkain, "Dito ka lang." Bilin niya.

Tumango ako at ngumiti sa kanya, how thoughtful of him for Cola's sick mother. He stared at me for few second before he crouch down to leave a kiss on my cheek.

Nagulat ako sa ginawa niya.

Narinig ko ang munting tili ni Cola. Saglit na sinulyapan siya ni Azi habang nakangisi bago tumalikod. Pinandilatan ko ang maharot na bata nang makabawi.

Trapped With ThemWhere stories live. Discover now