Chapter 2

2.7K 68 2
                                    

Seinna

I opened my eyes when I heard the familiar sound of my alarm clock from my phone.

Bago pa matulala saglit at makapagmuni-muni, agad na akong bumangon at dumeretso sa loob ng banyo.

I washed my face with water.

Nang matapos ay tinuyo ko ang mukha at lumabas, napatingin ako sa nakangangang natutulog na si Ysa. I could hear her snores from where I'm standing.

Humarap ako sa salamin. I opened my bag and search for my contact lenses. It was color brown. After putting it on, I tied up my hair up into a messy bun.

Nang matapos ay nilapitan ko si Ysa at marahang tinapik sa braso niya. She stirred but didn't totally wake up, such a sleepyhead.

Muli ko s'yang tinapik at sa pagkakataong 'yon ay medyo may kalakasan na, "Ysa.." mahinang tawag ko.

"Mhhm.." she moaned and stirred on her sleep but later on she cracked her eyes open.

"Bumangon ka na."

"S-Seinna?" nanliit ang mata niyang tanong.

"Oh?"

"Bakit? May kailangan ka ba?" Her voice sounds groggy.

"Wala naman. Di ba magdidilig ka pa ng mga halaman sa garden? It's early in the morning already. Ginising na kita para hindi ka mahuli sa klase mo mamaya." I said as I shrugged at her.

Antok na antok s'yang humikab.

"Ay, hindi ko pala nasabi sayo. 9 AM ang start ng klase ko, Seinna. Nag-alarm ako sa cellphone ng 6:30 para tumulong na rin sa kusina kina Manang Alma mamaya."

Napakurap ako. Ganon? Ginising ko siya sa wala? Napangiwi ako dahil naisturbo ko tuloy ang tulog niya.

"Ganon ba? Pasensya na kung ginising kita. I thought we have the same schedule. Mags-start ng 8 AM ang klase ko." I scratched my cheek.

"Ayos lang. Magkita nalang tayo mamaya sa cafeteria tas sabay na rin tayong umuwi." papikit-pikit ang mga matang aniya.

Tumango ako, "Sige. Matulog ka na ulit. Sorry talaga sa istorbo."

She hummed.

Lumabas ako ng kwarto namin ni Ysa. Sumalubong sa akin ang tahimik at medyo madilim na hallway.

Nang makalabas sa hallway ay lumiko ako papuntang kitchen at dumaan sa back door doon bago umikot na naman papuntang swimming pool area.

It was still 5 AM. Medyo madilim pa at tahimik but I could spot few guards wandering around from where I am standing.

Sinimulan kong gawin ang trabaho ko. The pool was large in a rectangular shaped. Medyo malaki kaya inabot din ako ng isa't kalahating oras bago matapos sa ginagawa.

Pawis na pawis kong pinunasan ang pawis sa noo ko. I used the back of my hand to wipe away the few sweats.

Bumuntong hininga ako, sa wakas natapos din..

Basang-basa ng pawis ang katawan ko at alam kong pati damit ko ay basa na rin. Lalo na sa parte ng likod ko.

Muli kong nilagay sa dating lalagyan ang panlinis ng swimming pool bago muling dumaan papuntang back door ng kitchen.

I was wiping the sweat from my forehead down to my neck using the hem of my large white shirt when my forehead hit at something hard and warm-- wall?

Kailan pa naging mainit ang pader?

"Who are you?"

I froze on my spot after I heard that cold and baritone voice from someone unknown. Hindi pader ang nabangga ko kundi dibdib ng isang tao at.. lalaki.

Trapped With ThemWhere stories live. Discover now