Chapter 24

2.1K 69 2
                                    

Seinna

"Gusto mong sumama sa 'kin ngayon?"

Napa-angat ang tingin ko sa kaniya.

I saw him took several spoons of veggies from a bowl before munching it. Dapat ay para lang iyon sa 'kin pero nagtaka ako nang sumandok siya at kumain din no'n.

Akala ko ba hindi siya kumakain ng gulay? Nagbago na ba ang panlasa niya simula no'ng kumain siya ng gulay noong nakaraan?

"Saan naman?"

"Mag-d-drag race ako. Gusto mong manood?" Kalmado niyang tanong.

"D-Drag race? 'Di ba delikado 'yon?"

Tumigil siya sa pagkain at pailalim na tiningnan ako, "Oo delikado nga. Delikado kapag tatanga-tanga ang nagmaneho." ngumisi siya bago kumindat at nagpatuloy sa pagkain.

Bawat subo niya ay malalaki.

Sandali akong napatitig sa kanya at saka nalang nakita ang sarili na sakay na sa kulay pulang sports car niya. Nakabihis na ako ng itim na leggings at puting v-neck t-shirt at denim jacket.

He was wearing a black leather jacket and underneath of it was a black t-shirt. He wore a black denim jeans and a white sneakers for his feet. He looked so handsome in his outfit that I stared at him in awe.

Nagtataka tuloy ako kung anong hitsura ng mga magulang nila. I'm sure they are handsome and beautiful. Ang gwapo kasi lahat ng mga anak nila.

His hair were unusually unruly. Palagi kong napapansin na nadadaanan talaga ng suklay ang buhok niya bago kami pumapasok ng university.

Pero kakaiba ngayon.

Baka trip niya lang ng magulo ang buhok ngayon para mas gwapo s'yang tignan? Or maybe, it was his usual style when he's going to race cars.

Well.. it suited him.

We passed several cars as he drove with fast speed. Wala masyadong sasakyan sa kalsadang dinadaanan namin kaya malaya s'yang magmaneho ng mabilis.

Halos paliparin niya na ang kotse!

Ang puso ko ay kumakabog sa dibdib ko. Mahigpit ang kapit ko sa seatbelt at sa inuupuan ko.

Pakiramdam ko masusuka ako kapag nagpatuloy sa ganitong kabilis ang takbo ng sinasakyan namin.

He was driving like a mad man!

---

Nahihilo akong bumaba ng sasakyan nang makarating kami sa pupuntahan. Sumandal ako sa likod ng nakasaradong pintuan bago yumuko at pumikit ng ilang segundo. Umiikot yata ang paningin ko.

"Hey, you okay?"

I opened my eyes and saw him approaching near me. He held my arm and crouched down to see my face. Sinulyapan ko siya at tipid na nginitian.

"Ayos lang ako." Sabi ko at tiningnan ang paligid.

We're here at the parking lot.

Iba't-ibang sasakyan na pang karera ang nagsidatingan at nag-si-park. I looked at him and saw him already looking at me.

"Mukha kang sabog. Nahihilo ka pa ba?" seryosong tanong niya.

"Medyo." marahan akong kumurap sa kanya.

Sa paraan ba naman ng pagmamaneho niya kanina, parang may meeting na dadaluhan at kailangan niyang magmadali dahil late na late na siya.

He took several turns and over take cars. Muntik pa kaming makabangga kanina. Mabuti nalang ay mabilis at alerto siya sa pag-iwas sa van.

Trapped With ThemWhere stories live. Discover now