Chapter 16

2.2K 83 3
                                    

Enjoy reading!!

---

Seinna

Hindi ako lumabas ng kwarto.

Hanggang sa magtanghalian ay nagkulong pa rin ako sa loob. I just don't want to see Ali's face for now. What he did was confusing and somewhat shocking.

Hindi pa lubos maproseso ng utak ko ang nangyari. Ngunit nangunguna na sa utak ko ang tanong kung bakit niya ginawa 'yon.

Why did he kissed one of his maid? Gano'n rin ba s'ya sa ibang katulong? Hinahalikan niya kung kailan niya gusto?

Hindi ko pa nga nakaka-usap si Avi tungkol sa paghalik niya sa 'kin kahapon habang tulog ako. Ngayon dumagdag pa sa isipin ko ang ginawa ng kapatid niya.

Naramdaman ko ang pagkulo ng t'yan ko. My eyes went down to my stomach. Gutom na ako. Hindi ako nakapag-umagahan kanina. At ngayon ay oras na ng tanghalian.

Napabuntong hininga ako.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto sa kwarto namin ni Ysa at na-alarma ako. Lumingon ako sa pinto at inabangan ang taong papasok.

Baka si Ali 'yan?

Kakausapin niya ba ako? Hihingi ng sorry sa ginawa niya? Magpapaliwanag? Ewan!

Gano'n nalang ang ginhawa ko nang makitang si Ysa lang pala na may hawak na tray ng pagkain.

"Sei? Ayos ka lang ba? Pinapadalhan ka ng pagkain ni Sir Ali. Tinanong ako kung nakapag-umagahan ka ba. Sinabi kong hindi pa kaya 'eto." 'a niya habang papalapit.

She put down the tray on the top of the table in front of me. Masyadong marami ang pagkaing nakalagay sa tray. Hindi ko 'ata ito mauubos.

"U..Uh, 'ayos lang ako, Ysa. S-Salamat sa paghatid ng pagkain."

Bigla akong nakaramdam ng hiya.

Talagang dinalhan pa ako ni Ysa rito ng pagkain. Hindi dapat ako nagkukulong sa kwartong ito. Binabayaran ako dito para magtrabaho, hindi para magmukmok.

Umupo s'ya sa gilid ng kama niya malapit lang sa 'kin. Pinulot ko ang kutsara't tinidor para magsimulang kumain.

"Naku, wala 'yon." Balewala n'yang sambit. "Bakit ka nga pala nagkukulong dito? Wala ka namang sakit, sabi mo?"

Nginuya ko muna ang pagkain saka s'ya nilingon, "Uhh.. may.. may hinahanap lang na importante." Kumurap ako at nag-iwas ng tingin dahil sa pagsisinungaling.

"Ay, gano'n ba. 'Nga pala, may tsismis ako sa 'yo, Seinna." Biglang naging mabuhay ang boses niya.

Nilingon ko s'ya ng may pagtataka, "T-Tsismis?"

Ano naman 'yon?

Humagikhik s'ya, "Oo! 'Tsismis', 'Chismis', 'Chikaret', 'Balitang Tsismis' gano'n?"

Nagpatuloy ako sa pagkain at hinayaan s'yang simulan ang 'balitang tsismis' niya.

" 'Di ba naka-benda ang dalawang kamay ni Sir Avi?" Tumango ako at natigilan. Oo nga pala, hindi makaka-kain si Avi ng gano'n ang kalagayan niya. Kumain na kaya siya? "Noong nasa hapag na silang magkakapatid, nagpresinta si Perlita na subuan siya dahil nga may sugat pa ang mga kamay niya. Hindi pumayag si Sir at biglang nagalit. Ayon! Pahiya si Perlita! Pero ang gaga, nagpumilit talaga kaya ayon, nasabuyan ng tubig ni sir Avi at sinabing ikaw lang daw ang gusto niyang subuan siya. Hihi, uy!" Natatawang aniya at pabirong sinundot ang tagiliran ko.

Sinabuyan ni Avi si Perlita ng tubig? I never thought of Avi being rude to anyone. Mabait s'ya sa 'kin, kay Manang at lahat ng katulong dito sa mansyon.

Trapped With ThemWhere stories live. Discover now