"Ay hala, thank you."




"No problem. Here," ngumiti ito at nang maiabot niya sa akin iyong ID ko ay umalis na siya.



Ngayon ko lang siya nakita rito sa campus namin. Sa tingin ko ay sa ibang department siya. He's wearing a black t-shirt na hapit sa katawan niya at black pants. Ang manly ng datingan niya. He's a fourth year student for sure.



"Sino 'yong kausap mo kanina?" Tanong ni Pam nang makabalik na kami sa table namin. "Pogi, ha."



"Sus, mas pogi naman ako roon," pagyayabang ni Clarence.



"Tumigil ka nga. Kasuka," irap ni Pam na ikinatawa ko na lang.




"I don't know, ngayon ko nga lang din siya nakita rito. Napulot niya iyong ID ko kaya binalik niya." Sagot ko na lang at nagstart ng lumamon.




"Dapat ay tinanong mo ang pangalan niya. Sayang naman. Sa susunod kusa ko nang ihuhulog ang ID ko at baka mas pogi ang makapulot no'n, malay natin iyon ang magiging kaforever ko. 'Di ba?"



"Ayan ka na naman sa imagination mo, Pam. Bilisan na lang nating kumain nang makapagstart na tayong magreview," sabi ko na lang. "Dala mo mga reviewer mo, Rence?"



"Yes, nasa bag ko lahat. May ipapaexplain sana ako mamaya, may topic kasi akong hindi maintindihan sa auditing. Pangit kasi mag-explain ni Sir Ricky. Hindi maintindihan."



Sa totoo lang ay mahirap talaga ang mga subjects namin sa accountancy lalo na kapag hindi pa naeexplain ng maayos ng prof iyong topic. Mangangapa ka at magsusunog ka ng kilay hanggang sa makuha mo iyon. Kaya maraming nagshshift sa amin dahil hindi kinakaya iyong hirap.



"I'll try to explain that later sa library. Pwede rin namang si Pam tutal it's her favorite subject."



"Manahimik ka, Ember. Kinasusuklaman ko 'yang subject na 'yan dahil kay Sir na hindi maayos mag-explain. 2 nga grade ko sa kaniya hindi naman maayos magturo."


"Buti nga ikaw 2, kumusta naman akong naka-3. Sana si ma'am Hernandez na lang prof natin sa lahat ng subject. She's terror but at least she does her job very well, galing niyang magturo."



I agree with him. Kahit sino talaga sa amin ay iyon ang masasabi about Zahira.



"Crush mo?" Pam asked Clarence.


Agad na umiling si Clarence, "she's beautiful pero may iba akong nagugustuhan," ngiti niya at sumulyap sa akin.


"Huwag mong sabihing gusto mo si Ember? Masasapak kita."



"Tama na 'yan," putol ko sa kanilang dalawa dahil ayaw ko na ang napupuntahan ng usapan namin. "Tara na sa library." Nauna na akong tumayo at sumunod naman sila sa akin.



"Hindi ba't usap-usapan noon na may gusto si Sir Jacob kay ma'am Zahira?"


Naglalakad na kami ngayon patungong library. Akala ko ay matatapos na iyong kwentuhan kanina about Zahira pero heto na naman si Pam, walang ibang bukambibig kundi si Zahira.



"Hanggang ngayon naman ata. I'm a guy too, I can sense it kung may gusto ang lalaki sa babae. Iba tumingin si Sir kay Ma'am, eh." Maging si Clarence ay nakisabay sa chismis ni Pam.


"Look at them. Ano kayang pinag-uusapan nila?"


Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Pam at tinignan ang direksyon na tinuturo niya. She's right, magkasama nga ngayon sila Zahi at Sir Jacob, they are talking. Ano naman kaya ang pinag-uusapan nila? At talagang doon pa sila sa labas ng office nila nag-uusap.


Secretly Married To My Professor [GL]Where stories live. Discover now