Kung sino pa 'yon mga taong nakakataas sa lipunan, sila pa ang mabuti sa kanya.

"Halata naman na mabait ang batang 'yon. Sana ay tuluyan nang gumaling ang mommy niya at mabuo ulit ang pamilya nila."

Noong huling bisita ng lola Salma niya sa mga Alcander, hindi na siya nakasama dahil abala sa practice para sa Miss Intrams. Wala rin naman nabanggit si Chantria tungkol sa mommy nito. Sana pala ay kinamusta niya.

"Sana nga po. Ibig sabihin, totoo po ang balita tungkol sa daddy niya?"

"Siguro. Ayaw kong pag usapan, apo. Magdasal na lang tayo na sana ay umayos ulit ang lahat sa pamilya nila."

Monday came and everyone is busy again. Inaayos na rin ang Gymnasium dahil doon gaganapin ang Miss Intrams. Pagkapasok niya palang sa classroom nila ay nilapitan kaagad siya ng grupo ni Luella.

"Sasali ka talaga? Wala kang balak umatras, Charlotta? Ang lakas din ng loob mo, e!"

Ibinaba niya ang bag sa silya. Wala pa 'yung tatlong lalaking tagapagtanggol niya kaya siya na lang ang haharap sa mga kaklase.

"Siguradong may ginawang kababalaghan ang lola niya kay Chantria at Yusef kaya sobra ang pag suporta nila sa 'yo. Umamin ka na!" akusa ni Jayda.

Umupo siya at hindi nagsalita. Hanggat kaya niyang umiwas, ay gagawin niya. Kaya lang katulad ng dati, kapag hindi siya nagsasalita, mas lalong nanggagalaiti ang mga umaaway sa kanya.

Napaigtad si Charlotta nang hampasin ni Luella arm desk. Mariin ang titig na ipinupukol sa kanya.

"Akala mo mananalo ka?! Pagtatawanan ka lang ng mga estudyante. Maawa ka sa kakahinatnan mo. Wag kang ilusyunada, Terrra Charlotta! Dapat alam mo kung saan ka lang lulugar!"

Saan ba dapat siya lumugar? Bilang estudyante, may karapatan naman siya na sumali sa kahit na anong patimpalak sa escuelahan nila. Ang mga teacher nga ay hindi siya pinagbabawalan, minsan nga ay ini-encourage pa siya. Samantalang itong mga estudyante, halos hilahin ang buhok niya palabas para lang mawala siya sa paningin ng mga ito.

Simula noong nag aral siya, samo't saring panglalait at panghahamak na ang naranasan niya sa kamay ng mga taong hindi tanggap ang buhay na kinamulatan niya.

Nakakalungkot isipin na lumipas man ang panahon, gano'n parin ang tingin sa kanya. Mababa at walang karapatan na makinabang sa mga bagay na dapat ay para sa lahat.

"Hindi dahil suportado ka ng mga mayayaman na estudyante rito, feeling mo magugustuhan ka na namin? Hindi! Galit pa rin kami sayo!"

Punung-puno nang pang iinsulto ang tawanan ng mga babae sa harap niya. Pinipigil niya ang sarili na magsalita. Kung magsasalita pa siya, tiyak na hahaba lang ang pang aaway sa kanya. Mabuti pang huwag na lang.

"Pero kung gusto mong bumait kami sayo. Isa lang ang gagawin mo..." ngumisi si Jayda.

Gusto niya 'yon. Kung may paraan para bumait sa kanya ang mga ito, gagawin niya. Napaayos sa pagkaka upo si Charlotta. Interesado sa naging usapan.

"Ano ang gagawin ko?"

Nagkatinginan ang mga babae sa harap niya. Nakita niya ang mga ngisi bago muling bumaling sa kanya.

"Wag kang sumali sa Miss Intrams," Luella said with a smirk.

"Kapag hindi ka sumali, magiging kaibigan mo na kami," dagdag ni Jayda.

Charlotta couldn't decide. She's very eager to have friends, but she's also fine if she didn't have. Pero ngayong may pagkakataon na magkaroon siya ng mga kaibigan, lalo at mga babae pa, parang magandang balita 'yon.

La Carlota 1: Reaching the SunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon