"Hannah, can you please shut your mouth kahit one hour lang?" Buntong-hininga ko saka kami naglakad palabas.

Madalas ko talaga isipin kung paano kami naging mag-best friend at kung paano ko natatagalan ang kadaldalan at kaingayan niya.

Papunta kami sa Grand Cottage na tinext sa akin ni Tam. Nandito na raw sila at kami na lang ang hinihintay.

"Aia! Hannah! Finally, dumating na rin kayo." Salubong sa 'min ni Ate Ysa na naabutan namin lumabas ng cottage.

Una siyang lumapit sa akin at niyakap ako nang mahigpit pagkatapos bumeso. Gano'n din ang ginawa niya kay Hannah pero iyong isa ay nakasimagot.

"Ate Ysa, nagtatampo ako sa 'yo. Hindi mo naman ako ininvite. Sinabit nga lang ako rito ni Aia."

Hindi ako nag-react kahit gusto ko ng tumawa ng maalala kong biniro ko siya kanina sa byahe. Dinamdam pala talaga niya 'yon.

"What? I told Aia..." Lumingon sa akin si Ate Ysa kaya hindi ko na napigilang matawa.

Napailing naman ito at natawa na rin habang si Hannah naman ay pasugod na sa 'kin kaya nagmadali na akong pumasok sa loob ng cottage.

Una kong nakita si Tam pero agad na nawala ang ngiti ko ng makita ang babaeng kausap niya. They were laughing with other professors pero napatingin din sa 'kin ang kapatid ko at excited na kumaway.

"Venice!" Miss Olivar called me at sinenyasan pa akong lumapit sa kanila.

"Good afternoon po." Nahihiyang bati ko at isa-isang tiningnan ang apat na professors.

Huli kong tiningnan ang babaeng biglang nag-iba ang treatment sa akin after mag-confess sa penthouse ko.

I don't know what's wrong with her lalo na sa sarili ko kung bakit ako nag-eexpect ng kung ano after ng gabing 'yon. Malinaw niya namang sinabi na she won't act on it pero heto ako at lalo lang na-frustrate sa mga kilos niya. Damn it.

Tipid lang na ngumiti sa akin si Miss Carter kaya iniwas ko na lang agad ang tingin sa kanya.

"Hindi pa rin ba bumabalik si Ava?" Miss Tan asked.

"Tatawagin ko na lang. Baka napagod kanina kaka-spike." Miss Olivar said at lumabas na rin agad ng cottage.

"Ate Aia!"

Nagulat ako nang biglang dumating si CJ kasama si Brie. Inilapag muna nito sa center table ang dala niya bago lumapit sa akin at niyakap ako nang mahigpit.

"Kailan ka pa dumating?" Tanong ko after namin maghiwalay.

"Yesterday lang, ate. Dito ako dumiretso sa Enchantress kasi nandito si mommy but we're going to Manila next week." CJ answered.

I tried to ignore Miss Carter habang hinihintay namin sina Miss Andrade. Kinakausap din naman kami nina Miss Hidalgo pero hindi ko maiwasang mapansin ang pagiging close agad nina CJ at Miss Carter na may sariling topic about England.

'Di nagtagal ay dumating na rin ang hinihintay namin at nagyaya na rin si Ate Ysa na kumain.

Madaming foods sa table pero hinayaan ko muna silang maunang kumuha. Of course Hannah's there already na nakikipagtawanan pa kay Miss Carter kaya kusang umikot ang mga mata ko.

"Hindi ka pa ba kakain, ate?"

Sandali kong binalingan si Tam na lumapit sa tabi ko bago ako umiling. "Later. Kumain ka na."

"Later na rin ako." Sabi naman nito. Gaya-gaya talaga.

"Tamara, Venice, kumain na kayo rito." Tawag sa amin ni Miss Olivar.

Love Me Like You Hate MeWhere stories live. Discover now