Chapter 7

47.2K 2.2K 2.2K
                                    

Sobrang bilis ng araw at last day na agad namin ngayon dito sa Las Casas Filipinas de Acuzar. Our stay here was really fun and ang dami ko ring natutunan.

We visited different ancestral houses which I really enjoyed 'cause I'm so fascinated by the designs of the houses and the way they were built during the Spanish Era.

"Later ka na mag-ayos ng mga gamit, bestie. Pinapababa na tayo para mag-dinner." Hannah said after mag-dive sa bed ko.

Inis akong tumayo at nakahalukipkip siyang tiningnan.

"Fix my bed kung ayaw mong pagbuhulin ko kayo ni Elias." Seryosong banta ko sa kanya dahil ayaw na ayaw ko na nagugulo ang kama ko.

Tam loves to do that lalo na kung weekends at wala kaming pasok. She usually sneak into my room early in the morning para bulabugin ako or minsan ay tatabi lang sa 'kin 'cause we share the same bed when we were kids. She's scared of sleeping alone back then so Mommy Tami and Mommy Ven decided to let her sleep in my room.

"Ay sorry master. Heto na nga at aayusin na. Patawad po, kamahalan. Hindi na mauulit." Nagmamadaling sabi niya habang inaayos ang bed ko.

Nang matapos siya ay lumabas na rin kami patungo sa lobby ng hotel at unang napansin ko ay 'yong babaeng naka-suot ng fitted white top and jeans. She's wearing a cardigan too pero hindi ko malaman kung anong nararamdaman ko dahil hindi maitago ang laki ng hinaharap niya. Bakit ba kasi nagsuot pa siya ng fitted? Goodness!

"Hala ang ganda ni Miss Carter. Mukhang expensive kahit plain lang ang suot. Para siyang model. Hindi halatang professor." Dinig kong sabi ng katabi ko.

"Tss. Pero sana hindi na lang siya nagsuot nang fitted." Bulong ko bago magpatuloy sa paglalakad.

"Ay oo nga. Pero grabe ang laki--"

Mabilis kong nilingon si Hannah at tinakpan din ang bibig niya bago pa siya may masabing kung ano.

"Your mouth, Hannah Devon." I said in my warning tone.

Inalis niya ang kamay ko sa bibig niya at kinunotan naman ako ng noo. "Malaki naman talaga ah."

I stared at her blankly. Talagang ayaw pa rin niyang tumigil huh.

"O bakit? Ikaw ah. Gusto ko lang namang sabihin na malaki 'yong suot ni ma'am na cardigan. Hanggang knees niya o, kita mo? Ano bang nasa isip mo? Ikaw Aia ah. Naku naku... kailangan mo na atang magpalinis ng utak."

Babatukan ko na sana siya dahil sa pambabaliktad niya sa 'kin pero nakatakbo na agad ito habang tumatawa kaya tiningnan ko na lang siya nang masama. She'll pay for this later.

We went to Café Marivent for dinner at naiinis na naman ako kay Hannah dahil nakikidagdag pa siya sa ingay ng paligid. Nagtitingin kasi siya sa menu at panay ang kulit sa 'kin na i-try 'yong mga foods na gusto niya.

"Share na kasi tayo rito sa Paella de Acuzar, bestie. Hindi ko 'yon mauubos. Good for 2 to 3 persons daw 'to o."

"Fine. Fine. Now shut your mouth, will you?" Inis na sagot ko. Sumasakit kasi talaga ang ulo ko sa mga unnecessary noises.

Akala ko ay matatahimik na ang buhay ko pero hindi pala. Bigla kasing nagpalakpakan kaya kusa akong napatingin sa harap na ngayon ko lang napansing may platform pala.

"AHHHH! GO, MOMMY CHANTEL!" Sigaw ng kung sino from back making my anger rose up. What the hell did she say?

The laughter from the crowd echoes the room and even that woman on stage is laughing too while fixing the mic stand.

"Thank you my supportive daughter." She said on the mic, still laughing.

I rolled my eyes in annoyance and made myself busy with my phone.

Love Me Like You Hate MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon