Chapter 10

47.6K 2.1K 1.5K
                                    

"Puyat ka?" Louise asked.

Umiling lang ako at tahimik na uminom ng coffee habang pinagmamasdan ang mga taong naglalakad sa labas. We're inside a famous resto near our hotel and currently eating breakfast. Maaga akong binulabog ni Hannah sa room ko kaya muntik na akong mag-panic dahil alam kong kasama ko si Miss Carter pero laking gulat ko ng wala itong kahit anong bakas sa kwarto ko. Iniisip ko tuloy kung panaginip ba ang nangyari kagabi pero sigurado naman akong kasama ko talaga siya.

"Good morning, girls!"

I almost drop my cup of coffee because of that familiar voice and when I turn to my side ay nakita ko ang babaeng halos hindi nagpatulog sa 'kin magdamag.

She's wearing a white summer dress with blue floral design and a woven sling bag.

"Omg! Miss Carter! Akala ko hindi kayo kasama pero grabe mas maganda ka pa po sa umaga, ma'am."

Sinipa ko si Hannah sa ilalim ng lamesa at pinandilatan ito ng mga mata nang nakasimangot itong tumingin sa 'kin.

Narinig ko ang pagtawa ni Miss Carter at pagtingin ko ulit sa gilid ko ay nakaupo na rin ito.

"Thank you, Ms. Ferrero. You look pretty too." Puro pa nito pabalik kay Hannah kaya hindi ko na napigilang mapairap.

"Hannah na lang po ma'am para ma-feel ko namang nasa Barcelona tayo bago bumalik ulit sa Callister." Request pa nang magaling kong kaibigan at si Miss Carter naman ay pumayag agad. Ang daling kausap.

Dahil wala ako sa mood ay hinayaan ko lang silang lahat na magkwentuhan habang ako ay tahimik lang na kumakain ng Croissant na in-order ko.

"Bestie, hindi ka si Ariel na kinuhanan ng boses ni Ursula kaya talk din kapag may time." Bulong sa 'kin ni Hannah kaya sinamaan ko ito ng tingin.

"Where are you going after this? Can I join you?"

Doon na sana ako magsasalita para tumutol sa sinabi ni Miss Carter pero mabilis akong naunahan nilang lahat at sumang-ayon agad sa kanya.

"Great! Nag-rent ako ng van for us. It's waiting outside." Miss Carter said that made everyone excited except me of course.

After naming kumain ay nagyaya na agad silang lumabas but I was so shocked when I saw the 'van' that she's talking about.

"Hala ang bongga!" Sabi ni Hannah sa tabi ko na halatang gulat din.

Isang black Mercedes-Benz Sprinter JetVan lang naman ang ni-rent ni Miss Carter at sasakyan namin ngayon.

"Let's go?" Nakangiting wika ni Miss Carter after niya buksan ang pinto ng jetvan.

Hinayaan ko muna silang pumasok at sinadya kong magpahuli na sana hindi ko na lang ginawa dahil ang available seat na lang ay katabi ni Miss Carter. Iyong anim kasi ay magkakatabi ro'n sa katapat na curved seat.

"Are you okay, honey? Have a seat."

Hindi ko pinansin si Miss Carter at tahimik lang akong umupo sa tabi niya. I'm still pissed. After what she did last night heto siya ngayon na parang walang nangyari.

"Do you want a tour in Montserrat?" It's Miss Carter again at tinatanong ang mga kasama kong never namang humindi sa kanya.

As expected ay excited na excited na naman sila na parang mga bata. Kaya siguro napilit ni Ica o ni Louise na sumama si Miss Carter ay para na rin sa ganitong mga bagay. Ang gagaling talaga.

"How about you, sweetheart?" Mahinang tanong ng katabi ko at ramdam ko rin ang tingin niya sa 'kin pero hindi ko inalis ang atensyon sa phone ko.

"Anywhere." Walang gana kong sagot.

Love Me Like You Hate MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon