𝑪𝒉𝒂𝒑𝒕𝒆𝒓 24:

37 3 4
                                    

France Ella's POV

One week na ang nakakalipas bago mangyari ang mga kinatatakutan ko noon. One week narin na pabalik-balik dito sa bahay si Stenley dahil nanliligaw na siya sa pamilya ko maging saakin.

Naging maayos na rin sila ng mommy niya. Mamayang 10 ng umaga mag-riribbon cutting kami dahil nakabili siya ng limabg branch ng McDonald's tsaka niya ipinangalan saakin. Favorite ko raw kasi 'yon kaya ayon ang magsisilbing business namin.

" Handa na ba ang anak ko para mamaya? " Nakangiti si Mama saakin kaya ngumiti rin ako.

" Opo mama, salamat po. " Sagot ko kay Mama na may dala-dalang paper bag.

" Para sayo ang mga ito, " kinuha ko ang paper na hinawakan ko tsaka ako biglang napasigaw dahil ibinili ako ni Mama ng horror books na favorite ko talaga.

" Salamat maaaa, " hinalikan ko sa cheek si Mama dahil sobrang saya ko sa ibinigay niya.

" Sige na mag-asikaso kana. Malapit na ang ribbon cutting. Congrat sainyo anak! " Muli kong niyakap si Mama.

...

Nandito na ako sa venue at hindi ko pa rin nakikita si Stanley. Maraming crew ang nandito na na binabati ako pati ang mga managers na gagabay sa mga crew.

Maya-maya may sasakyan na huminto sa harap kaya lahat kami napatingin sa sasakyan na 'yon. Hinihintay namin bumaba ang taong 'yon. I was expecting na si Stanley 'yon, tama nga ako.

Naka-formal attire ito at ang lapad ng ngiti niya. Mukhang may hinahanap.

" France Ella, " bungad niya saakin tsaka niya ako niyakap. Ang sarap sa feeling na yayakapin ka ng mahigpit ng taong dahilan para lumaban ka araw-araw.

" Ang bango-bango mo naman. " Nahiya si Stanley kaya ginulo niya ang buhok ko.

Maya-maya nagsimula na ang program, nagsimula kami sa pagdasal tsaka binless ang buong Mcdo. Nagbigay rin kami ng gift card sa mga customers na nanonood ngayon.

" Let's start the ribbon cutting! " Anunsyo ng host kaya pumwesto na kami maging ang mga camera man dahil ipapalabas raw ito sa TV. Lalo na kilala ang Deluvio when it comes to business kaya hindi pwedeng hindi ito lumabas sa TV.

Hinawakan namin ang ribbon at tag-isa kaming gunting ni Stanley. Parehas kaming nakangiti at sabay na ginupit ang ribbon kaya nagpalakpakan ang mga tao.

" Bravo! " Tapos na ang palakpakan pero may isang tao pa ang pumapalakpak ngayon.

" Ang saya niyo naman tignan, " giit ni Kim saamin. Nakatingin ang mga tao sakanya, halos lahat nakatingin.

" Anong ginagawa mo dito, Kim? "

" Take it easy Stanley babe, may surprise lang naman ako. " Malapad rin ang ngiti ni Kim ngayon tsaka siya tumingin sa sling bag na suot-suot niya.

Naglabas siya ng baril at kinasa ito. Itinapat niya ito saakin dahilan para magsigawan ang mga tao dito.

" Sa oras na paputukin ko ito, sigurado akong magiging totoo na ang kamatayan mo. Ikaw Stanley, nagustuhan mo ba ang surprise ko sainyong dalawa? HAHAHAHA " Tumawa si Kim na tila ba isang demonyo. Nakakairita ang boses niya.

" Kim, tumigil kana! Masaya na kami, huwag kanang manggulo! " Sigaw ko, natatakot ako dahil naka-tutok ang baril saakin at alam kong anytime pwede nyang kalabitin ito.

" Hindi ako papayag na magsaya kayo habang ako nahihirapan. " May diin ang bawat salitang sinasabi niya.

" Name your price. Babayaran kita. " Mahinahon na sagot ni Stanley.

" Ayoko ng kahit ano, ikaw lang ang gusto mo Stanley! Hindi mo ba ako maintindihan? Ikaw lang ang gusto ko! " Nakakatakot si Kim ngayon dahil ang likot niya baka bigla nyang maputok ang baril. Kailangan kong mag-isip ng  bagay na posibleng gawin ko para maagaw ang baril sakanya.

" Kim, tama na. Nakikiusap ako sayo please. " Sinusubukan kong paki-usapan si Kim pero mukhang hindi siya makikinig.

" Any last message to her, Stanley? " Nakakatakot ang ngiti niya.

" Kim please tumigil kana. Promise, hindi kita ipapakukulong basta bitawan mo lang 'yan! " Sigaw ni Stanley na ngayon ay pawis na pawis dahil siguro kinakabahan.

" Sorry but this is my happiness. Mag-message kana Ella, bacause any time ipapaputok ko na ito. "

Nag-iisip pa rin ako ng pwedeng  gawin ngayon to the point na hindi kona magawang magsalita pa.

" Kung kang sasabihin, goodbye Ella. " Ngumiti ito bago niya paputukin ang baril na hawak niya.

Nakarinig kami ng tatlong magkakasunod na putok dahilan para tumulo ang luha ko.

Maiksi lang ang buhay, maaring ngayon masaya ka pero biglang magluluksa ka. Akala ko magiging tuloy-tuloy na ang kasiyahan ko pero bagkakamali ako.

--------------------------------------------------
Next chapter will be the EPILOGUE and then, tapos na ito.

Thank you guys!

-aboutfictionx

BEAUTIFUL CHANGEWhere stories live. Discover now