𝑪𝒉𝒂𝒑𝒕𝒆𝒓 13:

35 4 2
                                    

Ella's POV

Matapos ang ilang araw na pagpapagaling ni Stanley, ang laki ng pinagbago niya. Minsan, hindi ko maintindihan ang mga actions niya. Nagiging regular din ang pagsundo niya saakin sa bahay pero hindi ko parin siya napapapasok sa bahay for certain reason. Alam ko disrespectful 'yon sa bisita pero natatakot lang ako sa pwedeng sabihin ng magulang ko sakanya.

Inayos ko ang sarili ko bago lumabas sa gate at sa hindi ko inaasahan nasa labas na si Stanley. Sanay naman na ako sakanya pero ang alam ko may business meeting siya kasama ang mommy niya.

" I'm sure nagulat ka dahil nandito ako. Na-cancel yung meeting. Next week nalang daw. " Tsaka siya lumapit saakin at kinuha ang bag ko. Binuhat naman niya 'to.

" Salamat, " matipid kong sagot.

" Ayos lang ba sayo na maglakad tayo ngayon? Daan muna tayo sa McDo para makapag-breakfast. Is that okay? " Tanong niya saakin at sobrang saya ng mukha niya.

" Oo ayos lang saakin. Pero wala akong pera ngayon, " paliwanag ko sakanya kaya kinuha niya ang dalawang balikat ko at hinarap niya ako sakanya.

" Hindi ko sinabi na gagastos ka. My treat! " Tsaka niya ako ako kinindatan. Napangiti naman ako sa ginawa niya dahil sa sobrang cute niya. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila para tumakbo, mukha bang ma-le-late kami? Ako naman na sobramg ganda nagpahila naman ako.HAHAHA.

Tinignan ko siya ang luwalas ng ngiti niya, siguro nga hindi pa din niya ako nakikilala. Pero for sure kung makikilala ako nito, lalayo din siya. May parte sa puso ko na gusto ko nalang iwasan siya pero natatakot naman ako na hindi na kami mag-usap.

Sa totoo lang, sobrang swerte ng magiging girlfriend ng lalaking 'to dahil napasaya kasama tapos hindi ka hahayaan na magutom.

Sa wakas at nakarating kami sa McDo at nag-presinta na si Stanley nalang ang oorder.

" Good morning, Sir! Kunin ko po order nila, " masayang bati nung service crew halatang may imput na kilig sa boses nito. Sino ba naman ang hindi kikiligin sa lalaki na 'to?

" May I order, cheesy egg de sal and orange juice? Samahan mo narin ng hashbrown and matcha sundae. " Masayang sagot nito sa cashier. Agad naman na nagbayad si Stanley at agad rin na ibinigay ang order namin. Take out nalang pala baka kasi ma-late kami sa klase.

" Pagdating nalang natin sa classroom tsaka natin kainin 'to habang hinihintay natin yung subject teacher natin. Is that okay? " Tanong ni Stanley sumagot naman ako with cute eyes. Char. HAHAHA.

Nagsimula na kaming maglakad papunta sa Deluvio University, ang kinaganda sa DU ay katabi siya ng mga restaurants and fastfood. Kaya hindi ka talaga magugutom, pero mauubusan ka ng pera. Ang galing nga kasi may coffee shop sa loob at gift corner.

Pag-pasok namin, naramdaman ko na parang maiihi ako kaya pinauna kona si Stanley sa classroom tapos tumungo ako sa comfort room. Ang laki ng CR dito, parang kwarto kona. Kaya kahit ilang estudyante pa ang pumasok dito, pwedeng pwede.

" It's you. " Boses pagbukas ko ng pinto ng CR. Hinatak ako ni Kim papasok ulit at itinulak ako sa pader. Halos umiyak ako dahil unang tumama ang balikat ko sa pader. Mapipilayan pa ata ako nito.

" Bakit mo kasama si Stanley? Nililigawan niya ang tulad mong panget? Bakit kayo magkasama lagi? " Tuloy-tuloy na tanong ni Kim habang dama ko ang lakas ng pagsabunot niya sa buhok ko. Halos bumaon din ang kuko nitong babae na nakahawak saakin. Hindi paba nila ako titigilan?

" Hindi, kaibigan kolang siy- " hindi kopa natatapos ang sinasabi ko ng biglang hatakin ni Kim ang katawan ko at itinulak niya ako sa flooring ng CR.

" Let me tell you this, magiging fiance kona si Stanley. Kaya huwag kang lalapit sakanya! Ang kapal din ng mukha mo. " Sigaw niya sa CR kaya wala akong nagawa kundi umiyak nalang at ayusin ang nagusot kong uniform.

" Hindi lang 'yan ang mararanasan mo, patikim palang 'yan Ella. Subukan mong sagarin ang pasensya ko, hindi lang 'yan ang mangyayari sayo. " Tsaka sila nag-walk out. Hinahayaan ko nalang sila at maya-maya lumabas nalang din. Sobrang sakit ng pakiramdam ko ngayon may iilang pasa narin ako sa katawan pero pinilit ko padin makarating sa classroom.

Hinakyat ko ng hagdan kahit sobrang nanlalambot na ako, hirap na hirap ako pero buti nalang at nakarating ako. Wala naman kasi akong laban sa tatlong aso na 'yon kung papatulan kopa sila.

Pagpasok ko sa pinto nakatingin lahat sila saakin at mukhang gulat na gulat. Si Stanley naman ay napatayo. Naglakad siya papalapit saakin pero lumalabo na talaga ang paningin ko.

" What happened? " Tanong ni Stanley na mukhang nag-aalala.

Hindi kona nagawang sumagot pa at dumilim na ang paligid ko.


--------------------------------------------------

A/N: Sorry for the late update sobrang naging busy. Shout out pala sa pinsan ko na kinukulit ako na mag-update. Hello, Jelly Ann!

Keep on reading, see you sa next chapter :>

For the next chapter, please be mindful with details. May mga details doon na magagamit niyo soon. HAHAHAHA. Enjoy!

-aboutfictionx

BEAUTIFUL CHANGEWhere stories live. Discover now