𝑪𝒉𝒂𝒑𝒕𝒆𝒓 9:

37 4 6
                                    

Ella's POV

Nagpatuloy ang paghahatid ni Stanley saakin pero hanggang gate lang naman namin siya. Kadalasan naglalakad kami pauwi tapos nagtatawanan. Napadalas din ang pag pasyal namin sa Astro Park pero mas napag-iinitan ako ng mga aso. Yung tatlong aso na magaganda daw.

Naging close kami ni Stanley pero hindi ganon ka-close ha? Mga 80 percent lang siguro. Paano ba naman, nagbabago bigla ang mood niya. May pagka-moodswing si Stanley. Hindi ko alam kung mood swing ba o may naaalala lang siya na nangyari kaya ganon siya. Kaya iniintindi ko nalang din.

" Congrats pala dahil maganda yung score mo sa Exam kanina. Sana lahat diba? " Tsaka ako tumawa habang naglalakad kami. Medyo nagdidilim na at nag-offer si Stanley na ihatid ako sa bahay.

" Thank you. Congrats din, " supladong sagot niya habang naka-pamulsa syang naglalakad. Hindi maiwasan ng mga babaeng estudyante na tumingin sakanya tapos halatang kinikilig pa.

Tinignan ko naman itong katabi ko at mukhang hindi okay. Ang daming activities pa naman ang dapat namin gawin. Sobrang daming task ngayon na naka-deadline sa monday. Hindi ko dama yung Saturday at Sunday.

Ayos lang ba si Stanley? Or may problem siya sa family niya?

Hindi naman sa nakikielam ako sa buhay ni Stanley no, pero hindi niya nakukwento yung mama niya tsaka yung Papa niya. Last na galing kami sakanila, napag-alaman ko na mag-isa lang pala siya doon. Kasama lang niya yung mga kasambahay nila. Ang lungkot siguro ng buhay ni Stanley kasi nag-iisa siya sa bahay. Wala man lang mag-aasikaso sakanya at kapag nagkasakit siya kung hindi Doctor, sarili lang niya ang maghahalaga sakanya. Ang swerte ko at ablng swerte ng mga tao na kasama ang family nila dahil may kakampi ka sa lahat ng bagay. Sila din ang magtuturo sayo kung paano maging mabuting tao bukod sa mga guro.

Siguro may dahilan si Stanley kung bakit suplado siya nitong unang araw nang pasukan pero maayos naman ang pakikitungo niya noon base sa naririnig ko. Nakangiti pa raw ito lagi noon kaso simula noong namatay ang Girlfriend niya naging ganyan na raw siya. Hanggang ngayon nabibigla padin ako kapag naririnig ko na namatayan pala si Stanley. Hindi padin ako makapaniwala sa mga bagay na nangyari sakanya.

"Uhm, sorry pala doon sa nangyari noong isang araw. Yung sinaktan ka nung mga babae sa DL. Sorry. " Biglang niya kaya napatingin ako sakanya. Binuhusan kasi ako ng basura. Buti nalang halos papel yung laman at walang sauces.

" Ayos lang 'yon, huwag monang isipin 'yon. " Tsaka ako ngumiti sakanya. " Paano ba 'yan, dito nalang ako. " Paalam ko sakanya kaya nagpaalam nalang din siya saakin.

Mukhang may sakit talaga si Stanley, wala syang energy ngayon. Dapat hindi na ako nagpahatid sakanya e.

" Ma, nandito na po ako. " Magmamano na sana ako kaso nakangiti si Mama na parang nang-aasar.

" Sino 'yon? Ikaw anak ah. May hindi ka sinasabi saakin. Yieeee. " Pang-aasar saakin ni Mama.

" Si Stanley po. " Biglang nagbago ang mood ni mama at pumunta siya sa kusina. Hindi nalang din ako kumibo at umakyat na sa kwarto ko. Inayos ko yung mga gamit ko pati na rin yung mga books na iniipon ko. Mahilig kasi talaga ako sa books na horror ang genre. Pati yung buong klase sila tapos patayan, mga ganon ba.

May mga washi tapes din ako at vintage na stickers para sa scrap book ko. Mahilig ako mag-design pero mas mahilig ako sa pagbabasa talaga.

Sumilip ako sa ilalim ng kama at tinignan ang storage box ko. May dalawang storage box ako na nakalagay sa ilalim ng kama ko. Yung isa, lalagyan ng girly things ko. Napkins, feminine wash, cotton pads and many more. Tapos yung isa naman, yung pang-midnight snacks ko.

Mamimili ako bukas ng mga kulang ko pero mukhang iilan lang naman bibilhin ko. Liquid foundation na dark shade, Cleanser, tsaka Sabon. Oorder na rin ako ng washi tapes sa online dahil iniipon konga ang mga 'to. Ayokong gamitin minsan pero napipilitan ako e.

Inipon ko naman ang mga damit ko dahil isang week na mula noong nag linis ako ng kwarto ko. Pumunta ako sa banyo at inaayos ang mga gamit ko doon kahit maayos naman na. Pero habang naglilinis ako ng banyo, may isang bagay akong nakita na nagpalungkot na naman saakin.

Yung mga lipstick na iniregalo ng Ex ko saakin noon. Ang mahal nito sa mall worth 1,500 ang isa tapos lima 'to. All shades meron ako pero isa lang ginagamit ko.

Kinuha ko yung isang shade at sinubukan, kahit naiiyak ako dapat maganda padin. Nakakainis lang no? Yung taong na nagbigay ng mga gamit waka na pero yung gamit nandito pa. Minsan nga napapa-isip ako kung itatapon ko naba o ano, pero nakapag-desisyon ako na itago nalang. Itong lipstick lang talaga yung nakalimutan kong ilagay sa karton. Pero yung bracelet na bigay niya hindi ko 'to bibitawan dahil sabi niya saakin noon parang hawak at kasama kona raw siya kapag suot ko 'yon.

Maya-maya nag-vibrate yung cellphone ko na nasa bulsa ko kaya agad kong dinukot. Wala akong ine-expect na text ngayon pero may text.


" I need you. Puntahan mo ako sa bahay please. "

BEAUTIFUL CHANGEحيث تعيش القصص. اكتشف الآن