𝑪𝒉𝒂𝒑𝒕𝒆𝒓 14:

33 3 3
                                    

Ella's POV

Pagmulat ko ng mga mata ko nasa puting kwarto na ako, kung hindi ako nagkakamali nasa clinic ako. Medyo masakit padin ang bugbog ko sa katawan kaya siguro bumagsak ako sa flooring kanina. Pero paano ba ako nakarating dito? May pakielam ba mga kaklase ko saakin?

Maya-maya, bumukas ang pinto ng clinic at pumasok si Stanley- teka, siya ba ang nagdala saakin dito?

" How are you? Masakit padin ba ang mga pasa mo sa katawan? " Tanong niya saakin kaya tumango nalang ako.

" Much better kung kakain ka, here you go. Ibinili kita ng pagkain sa cafeteria. " Inayos niya yung mga pagkain at inilagay sa plato. Tinulungan niya rin ako maka-upo dahil ramdam ko parin ang panghihina ko ngayon.

Pag-upo ko, tinulungan niya akong maka-kain at kitang-kita sa mukha niya na nag-aalala. Hindi ko alam kung natatawa ako o ano, kasi ngayon kolang ulit nakita ang ganitong reaksyon ng mukha ni Stanley.

Napansin siguro ni Stanley na natatawa ako kaya kumunot ang noo niya. Tinignan naman niya ako na tila ba nagtatanong.

" Natawa lang ako sa reaction ng mukha mo, HAHAHA. " Sagot ko habang nakahawak sa tyan ko.

" Okay. Anyway, ano ba kasing nangyari sayo? Wala naman kanina 'yan noong pagpasok natin dito. " Yumuko ako kasi hindi ko alam kung sasabihin ko ba ang totoo sakanya o hindi. Ayokong malaman ni Stanley na sinasaktan ako ng fiance niya which is Kim the dog. Ayokong makasira pa dahil saakin.

" Nadulas kasi ako sa CR. Ang lakas ng pagkakadulas ko kaya nabugbog ako. " Pagsisinungaling ko.

" Hindi ko alam kung maniniwala ako o ano. Mag-iingat ka nalang. " Tumango ako at pinagpatuloy ang kinakain ko.

Natahimik ang buong paligid at nang mapansin ko si Stanley nakatitig siya banda sa braso ko.

" Bakit may portion sa balat mo na kulay white? " Tanong niya at agad ko naman itong tinakpan.

Hindi pwedeng makita ni Stanley 'to. Nabasa siguro 'to sa CR at nabura. Tumayo ako at iniwan na muna si Stanley doon at pumasok sa CR. Kinuha ko narin sa bag ko yung dark shade ng cream at agad na pinahid sa balat ko.

Hindi pwedeng makilala ako ng kahit sino dahil natatakot ako na mahuli ng mga taong naka-itim na matagal na akong pinaghahanap. Tumulo ang luha ko dahil naaalala ko na naman yung bagay na nakita ng mga mata ko, hanggang ngayon nakokonsensiya pa rin ako dahil hindi ako makapag-salita dahil hindi ko naman kilala ang tao na 'yon at ang tangin hawak ko na ebidensya ay Wallet nung namaril sa lalaki at ang tattoo nito sa right hand.

Pinunasan ko ang luha ko kasi feeling ko sobrang tagal konang naka-stay dito. Agad akong lumabas at nadatnan ko si Stanley na naka-upo.

" Ayos ka lang? " Tanong ko sakanya at ngumiti naman. Ang laki ng pagbabago niya dati ang tahimik niya at ang suplado pero ngayon kitang-kita na nakangiti na talaga siya.

Habang nakatingin ako sa mga mata niya, nagfaflashback saakin yung scenario noong binaril yung lalaki doon sa kotse. Yung na witness ko. May hawig ang mata niya sa mata nung taong binaril. Tandang-tanda ko padin kung paano ako tignan nung lalaki bago ito tuluyan na pumikit.

Iniwasan ko agad ang mga mata ni Stanley at bumalik sa kama. Kailangan kolang siguro ng pahinga.

" Stanley, thank you. Magpapahinga na muna ako at ikaw kumain kana. Ayos lang ako dito. " Tsaka ako ngumiti ng malapad sakanya. Tumayo siya at nagpaalam may dalawang subject pa kasi kami na dapat pasukan. Pero mukhang hindi padin ako makakapasok. Kapag talaga nakita ko yung tatlong aso na 'yon malalagot sila saakin. Nako, hindi pala pwede dahil fiance 'yon ni Stanley.

Pumasok bigla sa isip ko ang salitang buri danaka na sinabi saakin ni Stanley noon, hanggang ngayon hindi ko pa rin alam ang meaning. Malalaman ko rin 'yan sa Languange and dialect subject namin, bagong subject 'yon ngayon at mukhang magiging intresado ako dito dahil ngayon kolang 'to narinig. Pero kahit ganoon pa man, may nangingibabaw ang pananakit saakin ni Kim.

Napa-isip ako kung dapat ko nabang iwasan si Stanley dahil may fiance na siya. Serve as respect din kasi kay Kim kahit masama ugali niya. Dapat hindi niya saakin ginagawa yung mga bagay na 'yon, tulad ng pagsundo at paghatid saakin. Pagkain sa labas. Alam kong masasaktan si Kim kung makikita niya kami na ganon kalapit. Pero kung pagkakaibigan lang ang habol ni Stanley saakin, ayos lang atleast hindi ako makakasira ng mga bagay na naka-ayos na.

For sure, pinagkasunduhan lang ng pamilya ni Stanley at pamilya ni Kim ang lahat. Pero kahit ganoon pa man, kailangan ng respeto ni Kim bilang fiance ni Stanley. Kung agad kolang nalaman, hindi sana ako aabot sa ganito. Wala sana ako sa clinic ngayon.

Ipinikit ko ang mata ko at nag-isip ng malalim.

Panahon na siguro para pilitin na burahin ang lahat dahil sa palagay ko nakalimutan na rin niya ang lahat. Kailangan ng burahin ang mga bagay na dapat matagal ng burado. Kahit masakit para saakin na layuan si Stanley, gagawin ko dahil hindi dapat ganito.

Babae din ako at alam ko ang nararamdaman ni Kim. Hindi ako ipinanganak para manakit ng ibang tao. Alam kong maiintindihan ako ni Stanley kung bakit ko gagawin ang mga bagay na 'to. Ayokong makasakit at ayokong gumulo ang buhay college ko dito sa Deluvio University.

As of now, I will try to erase everything.

BEAUTIFUL CHANGEDär berättelser lever. Upptäck nu