𝑪𝒉𝒂𝒑𝒕𝒆𝒓 19:

28 4 4
                                    

Ella's POV

" Stanley, uhm. Ayos lang ba na bitawan mo ang kamay ko? Nahihiya kasi ako, nakatingin ang mga schoolmates natin. " Bulong ko sakanya dahil palabas kami ngayon sa DU, tapos na ang klase ay niyaya ako ni Stanley na kumain sa Mcdo. Syempre ako naman na sobrang adict sa Mcdo, sasama ako syempre.

" Ignore them. " Maikling sagot ni Stanley pero hindi parin nabubura ang ngiti sa labi niya. Hindi ko na siya nakitang nakasimangot. Yumuko nalang ako dahil naririnig ko ang mga bulungan ng mga estudyante dito. Inikot ko ang paningin sa buong university pero hindi ko makita si Kim. Ilang araw na syang hindi nagpaparamdam. Mas maganda para matahimik ang buhay ko sa University na ito.

" By the way Ella, let's cancel our food trip in Mcdo. Hindi ba may pinapagawa si Sir Cristobal, sa bahay nalang natin gawin and padeliver nalang tayo ng Mcdo meals. Do you agree with that baby? " Bigla akong napatingin sakanya dahil sa sinabi niya. Shutaness, feeling ko pulang-pula ang pisngi ko ngayon dahil kinilig ako sa sinabi ni Stanley.

" Agree! Pero daan muna tayo sa bahay. Kukunin kolang yung stationary kit ko para may magamit tayo doon sa project natin. Magpapa-alam din ako kay Mama. " Paliwanag ko sakanya, tumango naman siya at muling lumapit saakin. Hinakbayan niya ako. Ang bango talaga ng lalaki na ito. Hindi mo mapaliwanag ang bango na nagmumula sa balat niya. Nako po, parang labanos siya sa puti. Feeling ko tuloy mas babae pa siya saakin dahil ang ganda ng kutis niya.

" Ako nalang magpaalam sakanila. Kung ayos lang sayo. " Tinignan ko muli si Stanley at seryoso nga siya sa sinabi niya.

" Hmm, next time nalang siguro Stanley. Ako na muna ang magpapaalam ngayon. Pero sasabihin ko ikaw kasama ko. " Mukhang nakumbinsi ko naman si Stanley dahil hindi pa siya pwedeng magpakita sa bahay. Hindi ko alam hanggang kailan pero hindi pa talaga pwede.

Matapos ang malayong lakaran, nakarating din kami sa parking lot ng DU. Nandito lahat ng magagandang sasakyan. Hindi talaga biro ang mga estudyante dito, talagang may kaya sa buhay.

Pinag-buksan ako ng pinto ni Stanley, katulad ng laging ginagawa niya. Pumasok naman ako at isinuot ang seatbelt. Pumasok na rin si Stanley at biglang ang tahimik niya. Sinimulan nyang buhayin ang sasakyan at sinimulan itong pa-andarin.

Habang nasa byahe kami, napapa-sulyap ako kay Stanley. Ang tahimik talaga niya.

" Stanley, nagtatampo ka ba dahil ayaw kong ikaw ang mag-paalam para sa'kin? " Tanong ko sakanya at tumingin naman siya saakin. Tumango naman ito.

" Pasensya ka na talaga Stan- "

" Ayos lang. You don't need to apologize. Naiintindihan ko. Pero promise mo ah, ipapakilala mo ako sainyo. " Nag-pout naman ang Stanley niyo.

" I promise. " Ngumiti naman ako.

" Ella. " Tawag niya sa pangalan ko at tumingin ako sakanya.

" May kailangan ka, Stanley? " Tanong ko sakanya, mukhang may iniisip ang lalaki na 'to dahil nakangiti siya.

" Yung sa Astro park. " Naka-ngiti parin siya.

" Alin? Napano? " Tanong ko sakanya. Hindi ko kasi maintindihan yung pinu-punto niya.

" Yung natigil natin na kiss dahil sa malakas na fireworks. Let's continue doing it. " Tsaka siya tumawa ng malakas. Yumuko naman ako dahil nahiya ako sakanya. Ako nga hindi ko na iniisip 'yon e. Feeling ko talaga pulang-pula ako ngayon. Hinampas ko naman siya kaya mas lalo syang tumawa.

" Bahala ka dyan, last na 'yon, HAHA. I-hinto mo dyan, kunin ko lang mga gamit ko. "

" Okay baby. " Wahhh, hindi ko na kaya. Kinikilig na talaga ako. Bwesit na lalaki 'to ginagayuma ako.

BEAUTIFUL CHANGEOnde as histórias ganham vida. Descobre agora