𝑪𝒉𝒂𝒑𝒕𝒆𝒓 2:

65 7 2
                                    

Ella's POV

" Anak, bakit late ka nakauwi kagabi? " Wow, narinig talaga ni mama yung pagbaba ko, kahit nakatalikod siya alam n'yang nasa likod ako.

" Eh kasi Ma, hindi ko mahanap yung bracelet. Hinanap ko sa school hanggang 7:30 wala talaga e. " Atungal ko kay mama na ngayon ay nagmukmok ako sa lamesa.

" Anong bracelet? Yung laging suot mo? Yung ibinigay ni- " hindi kona pinatapos si Mama agad na akong nagsalita.

" Opo Ma. " Maikling sagot ko.

" Kain kana muna, ayan nagluto ako ng lugaw. Para naman may energy ka mamaya. Basta anak, mag-ingat ka lagi please? Since first year college kana, mas galingan mopa. I will support you. " Lumapit si Mama saakin tsaka niya ako niyakap. May inabot din siya saakin.

" Ma, para saan po ito? " Tanong ko dahil sa kuryosidad.

" Hindi moba bibilhin yung bagong release na horror book? Balita ko, favorite writer mo yung nagsulat non. " Kinindatan ako ni Mama kaya agad ako tumayo at niyakap siya.

" Hindi mo po talaga nakakalimutan na i-surprise ako Maaaa, mahal po kita. " May kaunting luha sa gilid ng mga mata ko dahil sa labis na saya.

" Pero, kapag free time ko nalang po doon ako bibili ng book. " Paliwanag ko kay Mama.

" Ikaw bahala anak, basta ibinigay kona sayo yung pambili mo. " Ang ganda talaga ni Mama, ang ganda ng ngiti niya. Si Mama yung tipo ng tao na hindi mo makikitang nahihirapan dahil naka-ngiti lagi. Sabagay, ang panagalan pala niya ay Hopesmile kaya hindi na ako magtataka. Sobrang unique ng pangalan ni Mama.

Tinapos ko ang kinakain ko at inayos ang mga gamit ko. Nandyan si Papa ngayon kaya ihahatid niya ako sa DL University. Si Papa kasi hindi nag-sstay dito sa bahay dahil nagdedeliver siya ng fresh milk sa iba't-ibang lugar.

" Alis na ako Maaa, " sigaw ko at agad na lumabas sa bahay. Naghihintay na rin kasi si Papa sa labas.

" Hello Papa! "

" Ang ganda talaga ng anak ko, " ang lapad ng ngiti ni Papa. Grabe, nakakawala ng pagod.

" Ikaw talaga Pa! Gandang ganda ka naman saakin Pa. " Nagtawanan kami nalang kami ni Papa.

Sumakay na ako at sinimulan narin buhayin ni Papa ang motor, malapit lang naman ang DL university dito saamin pero for sure mapiprito ka dahil sobrang init.

Iniisip ko kung dadaan ba ako sa mall mamaya dahil may bibilhin ako sa Cosmetic shop, pero ang dami ko din gagawin kaya next time nalang siguro.

Hanggang ngayon pala-isipan padin saakin yung bracelet ko, hindi ko padin nakita. Saan na kaya 'yon, halos ikutin kona yung buong University kagabi pere hindi ko parin nagawang hanapin.

Ilang minuto lang, nagpaalam na ako kay Papa at papasok na ako. Hindi kona nagawang hintayin pa siya sa pag-alis niya, dahil feeling ko male-late talaga ako nito. Tumakbo ako papasok ng makarinig ako ng announcement sa buong University.

" Good morning, if you know someone na nawawalan ng bracelet please go to Lost and found office. Thank you! "

Tatlong beses inulit ang anunsyo na 'yan kaya dali-dali akong tumakbo papunta sa lost and found office at agad ko rin itong nakuha.

" Salamat po. " Sambit ko kay Sir na abala sa pag-aayos ng mga papers at ngumiti lamang ito bilang sagot.

Akala ko hindi kona makikita 'tong bracelet ko, buti nalang at mga nag-surrender sa lost and found. Sino kaya ang nag-surrender nito at mapasalamatan man lang.

Naglakad na ako papunta sa classroom ko a hinintay lang na dumating si Prof. Nakatitig parin ako sa bracelet na hawak ko. Hindi ako makapaniwala na hawak kona uli ito. Hindi kona hahayaan na mawala pa ito.

" Good morning, Class! I want you to meet Mr. Stanley Eun Deluvio. Ang anak ng owner ng DL university. Siya na rin ang magiging Class President niyo. Para sakanya talaga ang seat na nasa tabi ni Ms. Ella. Actually, nandito na siya kahapon and I assumed na nakita na siya ng iilan sainyo. " Paliwanag ng Prof namin pero teka, Stanley Deluvio? Agad aong tumingin sa harap ng blackboard at nakita ko ang mukha niya.

" Hala ang gwapo niya. Kahit nagkasakit siya ang gwapo padin! "

" Dapat katabi ko 'yan dito. Hihi. "

" Seryoso? Nakikita kolang 'to sa mga magazine. "

Dinig ko ang mga hirit ng mga kaklase ko, mukhang sikat siya. Dahil may mga students na nakasilip sa bintana namin.

" Sir, excuse me po. " Agad akong tumayo.

" Yes Ms. Ella? Ayaw mong katabi si Mr. Stanley? " Halatang hinihintay nila ang sagot ko pero wala akong pakielam sakanila dahil hindi kona kaya. Bago pa ako makasagot may isang lalaki pa ang pumasok na mukhang kaklase din namin. Ito yung laging late pero wala akong pake kahit hindi na siya pumasok. Biro lang, naiihi na talaga ako e.

" Sir, I need to pee po hehe. " Agad akong tumakbo at hindi na hinintay ang permission ni Prof namin.

Habang tumatakbo ako papunta sa comfort room, nadulas ako. Syempre biro lang, hindi ako tanga e. So, habang tumatakbo ako naisip ko bakit kaklase ko siya?

Siguro hindi na niya ako kilala dahil sa itchura ko ngayon, siguro nga nakalimutan na niya ang lahat. Pero isa lang ang masasabi ko. Ang laki ng pinagbago niya. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi umiyak. Ramdam kong humahagos ang mainit na likido sa mukha ko. Pero hindi pwede 'to. Buburahin ko ang lahat sa isip ko.




Nakalimutan na ba niya ang lahat? Mabuti na ang hindi niya ako makilala.

BEAUTIFUL CHANGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon