3 ~ INSPIRATION

Magsimula sa umpisa
                                    

Charlotta tried to steal a glance at Grego, but it was just quick. She couldn't stand staring back at him. Especially that she felt like he did not like the way she avoided him. He's not pleased with her action.

Umihip ang panghapong hangin. Ang tunog ng mga tuyong dahon sa lupa ay tila lagaslas ng tubig tuwing tag ulan.

"Hindi mo ba gusto na nakikita tayo sa escuelahan na magkasama?" he asked in a mellow tone.

She looked at him again behind her eyelashes. Kanina pa nito hinuhuli ang mailap niyang mga mata ngunit hindi nagtatagumpay.

Alam niya ang sagot sa tanong na iyon. Gusto niya, siyempre. Sinong tanga na tatanggi kung lapitan ng isang Grego Almendarez? Marami ang gustong makipaglapit dito. Bihira lang ang nagwawagi. Kaya dapat nga ay masaya siya na binibigyan siya nito kahit kaunting atensyon lang.

But she couldn't be happy with his attention. Dahil ang kapalit ng atensyon nito ay galit galing sa mga tao.

"Ayokong lumalapit ka sa akin kapag nasa escuelahan tayo, Grego."

She heard him heaved a sigh. Then he cursed under his breath.

Wala ng bawian nang sinabi. Kahit pa kasalungat no'n ang talagang nais niya.

"Paano tayo mag uusap kung gano'n?" nanliit ang mga mata nito habang nag aabang ng solusyon niya sa tila munting problema nito dahil sa desisyon niya.

"Palihim?" napangiwi siya. "Uh... o kaya sa azucarera na lang tayo mag usap?"

Grego put his both hands inside his pocket. Tumingala ito at pumikit. Nang lumunok ay gumalaw ang gulung-gulungan. Malaya niya itong napagmasdan nang malapitan at dahil doon ay buo na ang araw niya.

Nang ibinalik nito ang tingin sa kanya ay sobrang bilis niyang umiwas. Animo kasalanan na titigan ito. Palaging gano'n. It always felt like staring at him that close was a sin. It felt like it was forbidden for her.

"Palihim?" tumawa ito sa marahan na paraan, naaaliw. "Bakit ayaw mong may makakita sa atin? May magagalit ba?"

She knew what was the message behind his question. Walang magagalit dito, kundi sa kanya lang.

"Sino naman ang magagalit?" inosente niyang tanong.

"I don't know? Your suitors?"

Lumiit ang mga mata ni Charlotta. Nag isip kung sino ba ang nanliligaw sa kanya? Na basted niya na. Kaya wala na.

"I don't have suitors now."

"How about Gavin? Jester? Hmm?"

Namangha siya dahil kilala ni Grego ang mga kaklase niya. Mukha itong walang pakialam sa mga estudyante sa escuelahan, pero nag o-observe pala ito.

"Kaklase ko sila at ka grupo ko sa activity namin."

"Hindi manliligaw?" he made sure.

Charlotta shook her head.

"Bakit ka hinatid?"

"Dahil gusto niya?" nagkibit siya ng balikat.

Grego's eyes remained like as if he didn't believe her. Sa kanya pa talaga nagduda? Samantalang ito ang maraming naging girlfriend? Napagbintangan pa nga siya na dahilan nang paghihiwalayan nito at ni Alena.

"Ikaw ba? Kayo pa ng girlfriend mo?"

Huli niya na natanto ang tanong. Babawiin niya sana ngunit nakita ang multong ngiti sa labi ni Grego.

"Wala naman akong girlfriend."

"Si... Alena?"

The side of his lips curved up. She don't know why it felt like he found her funny. Nagtatanong lang naman siya para may topic sila.

La Carlota 1: Reaching the SunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon