Naunang maglakad si Grego. Siya naman ay niyakap ang dalang aklat, nakayuko na sinusundan kung saan ito pupunta.

"Kanina pa ang uwian niyo ah?" narinig niya ang bati ng isa sa kaibigan ni Grego.

Isang grupo pa ng kakilala nito ang nadaanan nila. Ang iba ay pasimpleng nangantiyaw. Ang iba naman ay sumipol.

"Baka mag selos niyan si Alena," kantiyaw ng isa.

Alena. Iyon yata ang pangalan ng bagong girlfriend ni Grego. College na rin iyon at magka edad lang siguro ang dalawa. Hindi niya pa ito nakitang nag girlfriend ng mas bata rito.

"Nililigawan mo, pre?" May biglang nagtanong.

Grego chuckled. "Hindi."

Humigpit ang yakap ni Charlotta sa aklat. Totoo naman na hindi nanliligaw si Grego, pero bakit parang... masakit?

She followed him until they reached the parking area. Sumampa ito sa isang motorsiklo. Napaatras siya dahil hindi pa siya nakakasakay sa gano'n.

Grego handed her a helmet. Nanginig ang kamay niya. Matapang naman siya pero natatakot siya na baka mahulog siya. Lubak lubak pa naman ang dadaanan nila.

"H-Hindi pa ako nakakasakay sa ganyan, Grego..." pag amin niya. "Baka mahulog ako."

His eyes sharpened. Nakasakay na ito kanina pero umalis at lumapit sa kanya. He sighed.

"Hindi ka mahuhulog, Charlotta," para bang inaalo siya nito.

Wala pa naman 'yung parang box na nakalagay sa likod na upuan. Katulad sa ibang nakikita niya sa mga motorsiklo. Kung mayroon gano'n, hindi siya masyado kakabahan na mahulog dahil may masasandalan siya kahit paano.

"Isuot mo ito," inabot ulit ni Grego ang helmet sa kanya.

Kinuha niya naman 'yon gamit ang isang kamay dahil ang isa ay yakap ang aklat. Alam niya naman kung paano isuot iyon. Nakakakita naman siya sa mga tao. Inilagay niya sa ulo kaya lang ay hindi ma-i-shoot ng maayos.

Charlotta's heart pounded when Grego walked closer and helped her put the helmet on her head. Napalunok siya nang ito pa ang nag lock no'n.

"S-Salamat," nautal siya dahil sa lakas ng pintig ng puso!

He walked back to his motorcycle. Sumakay ito ro'n at umusog nang bahagya sa harap para my tamang espasyo siya sa likod.

"Ipatong mo muna ang paa mo rito," he pointed where to put her foot first.

Kung gagawin niya na i-angat ang paa para maka angkas, kailangan niya ng mahahawakan para hindi matumba.

Napatingin siya sa braso ni Grego. Ang kamay ay nasa magkabilang handle bars. There are some visible veins on his forearms that matted with thin hair. The color of his skin is golden tan. Almost burned because of the blazing sunlight. For her, his skin color is very appealing. Attractive.

Gusto niyang hawakan si Grego sa braso bilang suporta. Kaya lang ay nangangamba siya na baka bawal iyon.

"Humawak ka sa akin," he jerked his shoulder telling her to hold on that area.

Para mapabilis sila, humawak siya sa balikat nito at sumampa na sa motor. Iyon ang unang beses na mahawakan niya ito at sobrang saya niya!

Para bang nahawakan niya na rin ang hindi maabot abot na araw.

Hindi niya akalain na ang simpleng pangarap ay magkakatotoo. Naging masaya siya nang mapansin siya ni Grego at kinausap. Ngunit nang mahawakan niya ito, ibang kasiyahan ang namutawi sa kanyang puso. It is something that matters to her. Imposible, pero pwede pala.

La Carlota 1: Reaching the SunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon