"H-ha? An-" bigla nalang pinaharurot ni Alexander ang sasakyan papunta sa langit- este papuntang saan. Napalunok ako ng laway at mas lalo pang kinabahan. Mukhang nilalayo nila ako sa lugar ko.

A-ano na ang gagawin ko?! Tatakas ba ako?

PERO SAAN?! NAPAGITNAAN AKO!

Magkunwaring mahimatay?!

PERO PAANO?! HINDI AKO MARUNONG!

Susuntukin sila?

PERO LIMA SILA TSAKA MAHINA AKO PAGDATING SA RAMBULAN!

Natigilan ako sa pag-iisip nang biglang hinawakan ni Giovanni ang aking magkabilang pulsahan sa kamay pagkatapos ay idinikit 'yun sa upuan.

"HOY ANO B-"

Nagulat nalang ako nang bigla siyang lumapit sa aking leeg saka inaamoy 'yun. Ramdam na ramdam ko nanaman ulit ang kanyang matangos na ilong tumutusok dito.

"Now I know why you smell like bananas," bulong niya sa malalim na boses at ilang saglit lang at dahan-dahan siyang lumayo sa 'kin saka tinignan ako sa mga mata.

"You're just a free student selling grilled bananas for a living right?" seryoso niyang tanong sa akin. Napayuko nalang ako at hindi nakasagot.

Alam na nila.

Alam na nila na hindi ako mayaman, alam na nila na nagtitinda lang ako, alam na nila na ang sekreto ko, alam na nila na isa lang akong free student.

Eh ano na? Wala na 'kong magagawa. Kitang-kita nila ang paghahanap buhay ko, walang silbi kung magsisinungaling pa ako.

Mukhang ito na ata ang oras para aaminin ko na ang lahat.

"Oo tama ka, isa lang akong free student," nag-angat ako ng tingin at tinignan ang  mapupungay niyang mga mata, "oh ano? Ipagkakalat niyo na ba? Ipagkakalat niyo na ba sa buong paaralan na hindi ako mayaman at isang walang kwentang free student lang?"

"Of course," mabilis niyang sagot sa seryosong boses. Napakagat nalang ako sa aking ibabang labi at yumuko ulit.

Mukhang ihahanda ko na lang ang sarili ko sa mga bully.

Kakayanin ko naman siguro diba?

".... unless kung sasagutin mo lahat ng mga tanong ko." kaagad akong nag-angat ng tingin sa narinig at taka siyang tinitignan.

"Ha? Anong ibi-"

"HMMMM! SARAP!" napaiktad ako sa gulat nang biglang sumigaw si Andrei dahilang kaagad akong napatingin sakanya.

Ang daming asukal nakapalibot sa bibig niya at hawak-hawak pa sa magkabilang kamay ang dalawang ginanggang na tinda ko habang kinakain ito.

Ang kalat kumain!

Napansin ko namang tinitignan siya ni Stephen sa front mirror, "M-masarap?" tanong niya at lumunok ng laway.

"Uh-uhm! Sobrang sarap!" tugon kaagad ni Andrei at napagiling-giling pa.

Para siyang uod na inasinan sa totoo lang-

"HOY!" napaiktad nanaman ako sa gulat nang biglang sumigaw ang nilalang na nasa tabi ko.

Bat ang hilig nilang manigaw ha?!

"Pwede ba wag kang sumigaw?!" sigaw ko kaagad kay Giovanni at sinamaan siya ng tingin pero umirap lang siya sa ere.

Rikion HighWhere stories live. Discover now