Ika-anim na Kabanata

51 19 1
                                    

Dito sa rooftop kami nakarating ni Gray.

"Gray bitiwan mo na ako, please.' mangiyak-iyak kong pahayag dito ngunit naramdaman ko nalang ang malamig na semento sa aking likod at ang kanyang mga brasong naka kulong sa akin.

"Lucy please kahit ngayon lang kausapin mo naman ako oh, ipaliwanag mo lang kung bakit ka umiiwas. Kung may nagawa o may nagagawa ba akong hindi mo nagugustuhan. Nagmamaka-awa ako Lucy." gulat na gulat ako nang may nakita akong patak ng kanyang mga luha at saka siya lumuhod.

"Gra-y...baliw ka ba tumayo ka nga diyan.' nauutal kong sambit.

"Oo Lucy mababaliw na ako at hindi ako tatayo dito kapag hindi mo sinabi sa akin kung ano ang problema.'"

"Gray itigil mo na nga yan, wala kang mapapala sa ginagawa mo at wala akong problema." malamig kong sabi sa kanya at pinigilang pumatak ang aking mga luha.

"Hindi ka iiwas Lucy kung wala kang problema. Hindi..hindi ako naniniwala sayo.' pilit niya.

"Gray patawad pero tapos na tayo.' mahal kita Gray pero kaylangan.

"Lucy huwag mong sabihin 'yan. Di 'yan totoo diba?'

"Totoo ang narinig mo Gray. Umalis ka na Gray, parang awa mo na, lubayan mo na ako.' hindi pa rin tumitigil ang luha ko sa pag-patak.

"Lucy bakit? Anong dahilan? Ipaliwanag mo Lucy please. Hindi ako maniniwala sayo hanggat hindi mo sinasabing hindi mo na ako mahal. Mahal mo pa ako di ba?" tumayo na ito at pinagdikit ang aming mga noo. Ramdam ko ang bawat paghinga ni Gray alam kong nasasaktan siya ngunit kailangan talaga. At sa pagkakataong ito pareho na kaming umiiyak.

"Gra-y hindi na ki-ta mahal kaya ple-ase umalis ka na ka. Kalimuta-n mo na ako." humahagulgol kong pahayag.

Laking gulat ko nalang noong sinuntok niya ng napakalakas ang semento na naka-sandalan ko.

Hindi ko na kinaya ang pangyayari sa pagitan naming dalawa ni Gray na tila ba nadudurog na ang aking puso sa pino. Napakahirap at napakasakit man ngunit kailangan kong mag-sakripiyo. Kusa na lamang tumakbo ang aking mga paa ngunit pagka apak ko sa huling hagdan ay bigla na lamang nagdilim ang aking paligid.

How to Treasure the Last MinuteWhere stories live. Discover now