Huling Kabanata

101 18 15
                                    

Kinagabihan din ng araw na iyon ay nalaman ko nalang sa mga magulang ni Wendy na pumanaw na siya. Lubos na nagluksa ang kanyang mga kamag-anak pero may mga pagkakataon din na nagpapasalamat sila dahil hindi na ito naghihirap.

Isang buwan na lamang ang natitirang mga araw ko dito sa mundo. Para sa mga maiikli lamang ang pasensiya ay napakahaba ng isang buwan ngunit lingid sa kanilang kaalaman na napakaikli na lamang ito para sa mga taong mahalaga ang bawat ikot ng mga kamay ng orasan.

Hindi rin namin lubos akalain ni Gray na magbubunga ang nangyari sa amin noong mga panahong wala akong pakialam sa lahat.Walong buwan na ito ngayon.

Noong una ay hindi natanggap ng aming mga magulang. Ngunit naglaon ang mga buwan ay unti-unti na nilang natatanggap at ngayon ay tanggap na nila ang baby namin ng buong-buo.

At dahil sa munting anghel na nasa sinapupunan ko ay mas lalo akong nagkaroon ng lakas ng loob para labanan ang sakit ko.

Walang magulang ang hindi  gustong masilayan ang kanilang anak habang ito'y lumalaki. Bawat una nito ay isang napakalaking kasiyahan para sa kanilang mga magulang. Ang una nitong pag-iyak, pag-tawa, pagsasalita, gapang, lakad, laro, pagtakbo at marami pang iba.

Kasalukuyan akong nandito sa kama ng ospital ngayon at hinahaplos ang matumbok ko ng tiyan. Mistulang naging bahay ko na ang ospital na to eh.

Anak...isang buwan nalang lalabas ka na, excited na akong masilayan ka. Hindi ako nagsisisi na naubo ka ng sa gayon ay may maiwan man lang ako kay Gray, na tatay mo. Pag wala na ako, magpapakabait ka palagi ah, pagbutihin mo palagi pag-aaral mo dahil hindi ko na maipagpapatuloy ang pangarap ko para sa mga lola at lolo mo. Mahal na mahal kita anak. At nagulat ako noong sumipa siya na tila ba naiintindihan na  ang aking mga winika. Anak wag ka muna lumabas, di mo pa oras. Siguro excited ka na rin na makita ako, kami ng tatay mo ano?  Lahat ng bagay anak mangyayari sa tamang oras.

"Paanong hindi lalabas ng maaga yang baby natin mahal, pareho ata kayong excited makita ang isa't isa." wika ni Gray papasok dito sa loob at may dalang kumpol ng bulaklak at mga prutas.

"Maha-l kani-na ka pa ba riya-n? " nahihiya kong tanong.

"Oo mahal, bakit bawal ba? Eto nga pala para sa iyo."  saka nito binigay ang hawak na mga bulaklak. Na akin namang inamoy.

"Hindi naman mahal. Hmmmm. ang bango naman."

"Siyempre naman mahal, kasing bango mo ang mga iyan. " sabay halik sa aking noo.

"Naku 'tong mahal ko talaga ang galing mambola parang ikaw si 'tay noong nandito pa si 'nay." pahayag ko.

"Idolo ko ang tatay mo mahal ko eh. Nakaisip ka na ba ng ipapangalan natin sa magiging anak natin mahal?" tanong nito. Subalit ako ay hindi ko rin alam kung ano.

"Hindi pa mahal. Paano kaya kung pareho na tayong mag-isip ng magandang pangalan niya.?"

Babae nga pala ang magiging anak namin ni Gray.

"Magandang ideya mahal ko." saad nito.

"Mahal paano kaya kung Wendy,  para kapangalan niya yung kinukwento ko sayo noon pa na nagpa-alala kung gaano kaimportante ang bawat oras." litanya ko naman.

"Oo maganda 'yon mahal, tiyak akong nasaan man siya ngayon ay masisiyahan siya. Pero pwede rin namang Gayl." suhestiyon naman ni Gray.

"Pagsamahin nalang kaya natin mahal?"

"Oo naman mahal,  hindi ako tututol sa iyong nanaisin."

"Hi baby Wendy Gayl" sabay naming bigkas ni Gray habang hinahaplos ang aking tiyan.

How to Treasure the Last MinuteWhere stories live. Discover now