Epilogo

143 18 3
                                    

Hindi lahat ng bagay ay nabibili ng salapi, dahil lahat ng bagay ay may limitasyon.

Katulad na lamang ng pagmamahal, kahit sabihin mong ikaw na ang pinakamayaman sa buong mundo kung wala namang nagmamahal sa'yo ay hindi mo masasabing mayaman ka.

Nabibili mo nga ang mga naisin mo pero hinding hindi mo mabibili ang pagmamahal, dahil ito ay kusang ipinapakita ng isang tao na sinuman ay hindi madidiktahan.

Isa pang halimbawa ay ang atensyon ng mga taong mahal mo sa buhay dahil ang atensyon nila ang iyong hinahanap hanap sa pang araw-araw mong pamumuhay. Hindi rin ito nabibili ng pera dahil kusa itong naipapakita ng isang tao.

Marami pang hindi kayang bilhin ng pera, kasikatan,talento, pagtitiwala, kapayapaan at marami pang iba ngunit ang pinaka importante sa lahat ay ang oras.

Walang halaga ang oras kung kayat lahat ng tao ay may karapatang magkamit. Hindi mo maitatago ang oras ngunit maaari mo itong gamitin. Ngunit sa oras na binaliwala mo ang pagkakataong gamitin ito sa tamang paraan ay hinding hindi mo na ito maibabalik pa.

Maraming tao ang naghahangad na mabago ang kanilang nakaraan. Ngunit ang nakaraan nga ba ang dapat na baguhin nila o ang kanilang hinaharap ang kanilang paghandaan?

Ilan lamang ito sa mga katanungang pumapasok sa mga isipan ng bawat tao kapag napagtanto nila na mali na ang tinatahak ng kanyang buhay.

Masakit ang katotohanan na kapag huli na ang lahat doon mo lamang matutuklasan at mahihinuha ang totoong halaga ng isang bagay o tao sa iyo.

Kaya habang maaga pa ay ilaan mo ang mga oras na nabubuhay ka pa sa mga taong nagmamahal at binibigyan ka ng atensiyon. Ituring mo itong kayamanan na para bang ang bawat araw na dumarating ay iyo ng huling araw para mabuhay.

How to Treasure the Last MinuteWo Geschichten leben. Entdecke jetzt