Ika-labing isang Kabanata

56 19 3
                                    

"Gray patawad kung inilihim ko sa iyo. Patawarin mo ako Gray. Ayoko lang talaga kasing nag-aalala ka sakin." wika ko habang tumutulo pa rn ulit ang mga luha sa aking mata.

"Huwag mo ng isipin iyon mahal ko. Ang importante ay ang malaman kong ligtas ka at ang katotohanang mahal mo pa rin ako hanggang ngayon. Huwag ka na ring umiyak mahal ko." pinunasan nito ang aking luha at saka hinalikan sa noo.

-------

Matagal-tagal din bago ako naka labas ulit sa ospital. Ngunit pagkaraan lamang ng ilang araw ay bumabalik din ako dahil ayon sa aking doktor ay malala na raw talaga ang sakit ko. At hindi na raw ito malulunasan pa.

Hindi ko na nga alam kung saan na nangunguha ng gastusin sa ospital ang aking mga magulang dahil sabi nila hindi na raw iyon importante para malaman ko pa.

Hindi pa rin bumabalik si 'nay hanggang ngayon. Subalit may komunikasyon na kami ngayon.

Noong minsang nagdadasal ako sa munting simbahan ng ospital na ito ay may nakilala ako, si Wendy. May brain tumor din daw siya at kagaya kong may taning na ang buhay.  Ngunit mas maikli na lamang ang natitira sa kanya.

Tanda ko pa ang mga eksaktong salitang kanyang binigkas.

"Alam mo ba Lucy parehong pareho tayo ng naging karanasan. Hindi ko rin pinahalagahan ang mga tao sa paligid ko noong una dahil para sa akin wala na ri n namang halaga pa. Ngunit  sa paggising ko sa mga umaga ay napagtanto ko na dapat ko palang  pahalagahan ang mga oras na nakakasama ko pa sila."

"Lagi mong tandaan Lucy, bawat segundo at minuto ay mahalaga. Kaya habang nabubuhay ka pa gamitin mo ito sa tamang paraan, iyong alam mong makakatulong at makakapag-pasaya ka ng iba..Magpasalamat ka sa kanya (sabay tingin sa imahe ng Panginoon) dahil bawat minutong  nandito ka sa mundong ibabaw ay utang mo sa kanya. Maswerte ka nga Lucy eh, mahaba pa ang natitira mong oras, makakasama mo pa ang mga taong mahal mo at mahal ka. Ngunit ako kahit anong oras o araw puwede na akong mawala."

Sa mga sinabing katagang iyon ni Wendy ang gumising sa akin na ang bawat sigundo, minuto at oras ay napakahalaga.

How to Treasure the Last MinuteWhere stories live. Discover now