Ika-sampung Kabanata

42 16 2
                                    

Maaga akong nagising at nagbihis para sana hindi na ako makita pa ni Gray kapag nagising aiya ngunit bigo ako, dahil hindi pa man din ako nakaka-labas ay biglang sumakit ang aking ulo na naging dahilan ng malakas na pagsigaw ko.

"AHHHHHHHH"

"Lucy, Lucy anong nangyayari sayo?" dali-daling nagbihis si Gray at pumunta sa aking tabi.

"GRAY, AHHHH. ANG SAKIT NANG ULO KO." nangingiyak na rin ako sa sakit na aking nararamdaman.

"Halika, ipupunta kita sa ospital." wika niya at inalalayan akong maglakad.

Noong makarating kami sa labas ng kanilang bahay at nang may nakita siyang taxi at agad itong pinara saka agad na kaming pumasok.

"Ahhbhh !" hindi ko na talaga kaya ang sakit.

"Manong pakibilis po." natataranta nitong sambit.

Ngunit hindi pa man kami nakakarating sa ospital ay nararamdaman kong hindi ko na kaya at blangko na ang aking paligid.

-------

"Iyon po ba ang matagal niya nang tinatagong dahilan tito?"

"Oo iho, si Lucy ang tipo ng bata na kayang isakripisyo ang lahat para lang wag mag-alala ang mga nasa paligid niya."

"Maiintindihan ko naman po siya tito eh."

"Hindi ko nga rin maintindihan sa batang iyang eh, ang bait bait naman ngunit sadyang matigas ang ulo."

"Hahaha, kaya nga po eh."

Noong una ay hindi ko kaagad nalaman kung sino ang mga nag-uusap pero noong unti-unti ko ng iminulat ang aking mata at narinig ang kanilang mga pamilyar na boses ay nalaman ko na kung sino sila, sina itay at Gray.

Ngunit dahil siguro sa aking pag hikbi ay napalingon sila sa akin.

"Anak, gising ka na pala. Oh siya Gray ikaw muna ang bahala sa prinsesa namin ha kukuha lang ako ng mga damit sa bahay." sabi ng itay.

"Sige po tito" mabilis namang tugon ni Gray.

How to Treasure the Last MinuteUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum