Ikalawang Kabanata

132 26 2
                                    

(Kinagabihan)

Pagdating namin sa aming bahay ay agad akong nagmano sa aking ama na kasalukuyang  nagluluto ng aming hapunan. Nginitian naman niya ako.

"Ang sipag naman ng pinakamamahal  kong asawa. At uhmmm ang bango pa ano ba yang niluluto mo?" sambit ng aking mahal na ina at ginawaran ito ng matamis na halik sa pisngi.

"Siyempre naman mahal ko, alam ko kasing pagod ka at balewala lang ang pagod ko tuwing nakikita kita. Adobo mahal, noong umuwi kasi ako dito sa bahay ay napadaan ako kina Mang Kanor na nagkakatay ng manok at tinulungan ko siya kung kayat binigyan niya ako ng kaunti." tugon naman ng aking mahal na ama.

"Naku nambola pa ang aking mahal na asawa."

"Kelan ba kita binola mahal?"

Dinig kong sambit ng aking mga magulang sa isa't isa.

"Itay nilalanggam na po ako tsaka yang niluluto mo po. Naku, akin na nga po yan ako na ang tatapos para makakain na tayo." saad ko dito.

"Sige anak, at magbibihis lang kami ng iyong inay." sagot naman nito at nauna ng nagtungo sa kwarto nila ang aking ina.

At ipinagpatuloy ko na ang nasimulan ng aking ama.  Pagkatapos ng ilan pang mga minuto ay luto na ito at sakto namang lumabas ang aking mga magulang sa kanilang kwarto.

"'nay, 'tay sakto po tapos na akong maghain. Kain na po tayo. Pero bago iyon ay magdasal muna tayo" wika ko.

"Sige anak walang problema." sagot ng aking ina at ako na mismo ang nag lead ng dasal.

"Sa ngalan ng ama, ng anak at ng ispiritu santo. Panginoong may likha ng lahat, marami pong salamat sa pinagkaloob mo sa aming pagkain ngayong gabi na naman na ito na aming pinagsasaluhan. Marami pong salamat dahil kahit mahirap lang po kami ay kumpleto po kaming nagsasalo-salo sa hapag na ito at nakakakain po kami ng tatlong beses sa isang araw. Lahat po ng ito ay aming ipinagpapasalamat sa iyo. Sa ngalan ng ama, ng anak, at ng ispiritu santo Amen."

"Kainan na." nakangiting tugon ng ama ko.

———-

Mabilis na lumipas ang mga araw. At ngayon ay simula na naman ng panibagong yugto ng aking buhay dahil papasok na ako bilang Kolehiyo.

Pagtuturo ang napili kong kurso. Mahilig kasi ako sa mga bata at noong bata pa lamang ako ay ito na ang aking pangarap.

Mga bagong kaklase, mga bagong guro, mga bagong kaibigan.

Sa pinapasukan ko kasing paaralan lahat nagbabago kapag sumapit na naman ang susunod na yugto ng kanilang buhay.

May mga nagtratransffer kasi sa ibang skwelahan at meron din namang nagtratransffer mula sa ibang paaralan. Kung minsan hindi ko maiiwasan na may mga nambubully sa akin dahil nga sa status ng aming pamumuhay at dahil sa isang pribadong paaralan ako nag-aaral (Western Hill Academy).

Pero kahit ganoon tumatakbo ang araw araw na buhay ko sa aming paaralan ay nagpapasalamat parin ako dahil hindi gaanong nahihhirapan ang aking mga mgulang sa pagpapa-aral  sa akin.

———-

Ngayon ay kasalukuyan akong naglalakad sa pasilyo ng aming paaralan patungo sa aming klase. Hindi mawala mawala sa aking mga labi ang kasiyahan na makapasok ulit. Upang sa gayon ay mabilis akong makapagtapos, makakamit ko ang aking mga pangarap, magkakaroon ako ng magandang trabaho at sapat ang aking makikitang  pera, maiaahon ko na rin sa hirap ang aking mga magulang. Ang sayang mangarap sabi ko sa sarili ko ngunit nasobrahan yata ang pag day-day dream ko dahil hindi ko naiwasan ang dalawang lalaking naghahabulan at ako'y natumba.

"MISS!" sabay nilang sigaw.

"Miss, ayos ka lang ba?" saad ng blonde ang buhok na naka patayo. At unang tingin palang sa kanya ay masasabi mo nang mayaman ito. Tinuluungan niya akong tumayo samantalang ang kasama niya namang naka cap patalikod at may bangs ay pinulot ang mga gamit ko.

"Ah-h , Oo-o ayos  lang ako." nahihiya at nauutal  kong sagot.

"Tutal miss maaga pa naman hayaan mo kami ni Gray na ihatid ka." sabi nung naka cap.

"Magandang ideya, Warren. Nag-iisip ka rin naman pala minsan eh." natatawang sabi nung Gray. Hindi ko naiwasang matitigan siya dahil sa ganda ng kanyang mga mata na animo'y isang briliantes na kumikinang.

"Wag na, b-baka ma-late lang kayo sa inyong klase." nahihiya ko pa ring sabi.

"Huwag ka ng mahiya miss...Lucy." tinignan ko siya na nagtataka kung paano niya nalaman ang aking pangalan. Agad naman niyang tinignan ang aking ID na parang nabasa kaagad sa aking utak ang aking katanungan. At doon rumehistro sa aking utak kung paano niya ito nalaman.

"Kay gandang pangalan ah." naka ngiting wika sa likuan ni Warren.

"Sige, mauna na ako Gray at Warren natutuwa akong nakilala kayo."at kinuha ko na ang mga gamit ko sa kamay ni Warren at tumakbo na dahil sa mga nakita kong paparating na ibang studyante. Alam ko kasing mabubully na naman ako.

"LUCY!" napatigil ako sa pagtakbo at sa pagsigaw nina Gray at Warren ng aking pangalan ay napalingon ang mga dumadaan. Hindi ko nalang sila pinansin at nagpatuloy na akong tumakbo patungo sa aming classroom.

@xxxkenxxx1519 , Danica Marie Ibanez .. Dedicated sa'yo ang chapter na ito . Lagi mong tandaan ako lang ang mahal ni KMH ah. Maraming salamat sa pagbabasa.

How to Treasure the Last MinuteWo Geschichten leben. Entdecke jetzt