Ikatlong Kabanata

92 24 1
                                    

Laking pasasalamat ko sa Diyos na nakita ko kaagad ang aming classroom at hindi ako na huli kung hindi ay ako na naman ang titingnan ng lahat. Humanap na ako ng magandang pwesto at tahimik na nakinig sa aming tagapayo.

"Good Morning class, I am your adviser and my name is Ms. Majesty Villamayor" pakilala ng aming guro sa kanyang sarili.

"Good morning ma'am." ang tangi naming sagot.

"Okay class since this is our first day to meet each other, kindly introduce your self in front?"

"Yes ma'am." sabay-sabay naming sagot.

"Then let's start."

"Good morning everyone. My name is Nathalee Kate de Jesus. 18 years of age. I hope we will become friends.That's all." panimula ng kaklase naming na nasa first line sa kaliwa.

Nagpatuloy ito hanggang sa napukaw ang aming atensyon sa nagbukas ng pinto. At laking gulat ko na si Gray pala iyon.

"Sorry ma'am I'm late. May nakasalubong kasi akong anghel kaya di ko na namalayan ang oras." natawa ang lahat sa sinabi ni Gray.

"Tama na yang kalokohan mo iho humanap ka nalang pwesto mo upang maipagpatuloy na natin angpagpapakilala ninyo. Okay, go on class."

Sabi ng aming guro. At di ko namalayan na ako na pala ang susunod, kinakabahan tuloy akong nagpakilala.

"Hi-i, ako nga pala si Lyca Santos. 18 years old. Nagagalak akong makilala kayo."

"Ang tigas din naman ng bungo niyan no?"

"Ang lakas ng loob mag-aral ulit dito."

"Kaya nga eh, di naman siya nababagay dito."

"Tignan mo yung bag niya oh, di ba last year pa yan?"

"Like, duhhh."

Hindi ko na mawari ang aking nararamdaman. Ngunit ang paniguradong alam ko lamang ay anumang oras papatak na ang aking mga luha sa sakit ng mga katagng naririnig ko sa mga dati kong kaklase noong ako nasa sekundarya pa lamang.

"Girls tama na yan. Pare-parehas lang kayong nag-aaral ditto kaya huwag ganyan ang trato ninyo sa isa't-isa, okay? "

"Hmmmp. As if I care."

"Yeah right. Watever."

"GIRLS, I SAID STOP!"

"Yes ma'am." doon nagtapos ang mga usap-usapan ng iba kong mga kaklase. Ngunit hindi pa rin ako napanatag dahil alam ko na nagsisimula pa lamang ulit sila.

Sa pag-upo kong iyon ay nagulat ako na pagtingin ko sa aking unahan na si Gray pala ang nandoon.

"Hi Lucy." sabi niya sabay kindat. Hindi na ako nakasagot pa dahil nahihiya pa rin ako sa nagawa ko sa kanila ni Warren.

Natapos ang araw ng parang normal na mga araw lang sa araw ng pasukan. Ngunit hindi maiwasan na may mga nambully na naman sa akin.

----

"'nay, 'tay nandito na po ako." aking sambit noong ako ay nakarating na sa aming bahay. Ngunit si inay pa lamang ang aking nadatnan doon.

"Oh anak, nandiyan ka na pala. Wala pa ang iyong 'tay, siguro ay maya-maya pa iyon makaka-uwi. Siya nga pala kumusta ang unang araw ng iyong pasukan?" litaniya nia.

"Mano po nay. Gaya pa rin ng dati nay hinding hindi nawawala ang mga nambubully sa akin." at saka naman ako bumuntong hininga.

"Gusto mo bang pumunta ako sa inyong paaralan para kaausapin sila anak? Patawad anak kung pati pag-aaral mo nadadamay sa kahirapan ng ating buhay." saka ako niyakap ng aking mahal na ina.

"Huwag niyo pong sabihin iyan 'nay. Ang laki nga ng utang na loob ko sa inyo 'nay eh. Kahit nahihirapan na po kayo ni 'tay ay di pa rin po kayo tumitigil para mapag-aral ninyo ako. Proud na proud po ako sainyo ni 'tay, 'nay." di ko na napigilan ang aking luhang pumatak.

"Anong nangyayari dito ? At bakit umiiyak ang aming Prinsesa?" hindi namin namalayan na dumating na pala si itay.

"Wala po itay." nag mano ako sa kanya. Hindi ko na inilahad sa kanya kung bakit, dahil mas lalo lamang akong maiiyak.

"Oh siya kain na tayo." si 'nay ay naka paghanda na pala sa hapag.


"Best friends are the people in life that make you laugh a little louder, smile a little brighter and live a little better."

'Tong kabanatang ito ay dedic. sa'yo bhest Reyzell Medina Ninobla. Salamat sa lahat, keep safe. Salamat din sa pagbabasa, enjoy kahit sabaw. Love You bhest.

How to Treasure the Last MinuteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon