Chapter 18

6.6K 234 46
                                    

Margarette's POV

Niyayakap ko na lang ang sarili ko habang nakasakay sa motor ni Max. Mahina din naman siyang nagmamaneho kaya hindi nakakatakot. Hindi din naman siya pasalita kaya gusto ko ito na tahimik lang lalo na sa nangyari kanina.

Nasabi ko iyon dahil nagseselos ako..gusto ko si Night kahit alam kong hindi ako ang gusto niya. Hindi ko na napigilan ang naramdaman ko kanina..

Pinipigilan ko talagang hindi maiyak. Gusto kong maiyak hindi dahil sa sampal kung hindi dahil sa sinabi niya. Alam ko naman sa una pa lang na hindi ako ang gusto ni Night pero iba pala ang sakit kapag ibang tao na ang nagsabi at iyong gusto pa ng gusto mo.

Ano ba ang laban ko kay Shyle eh na sa kanya na ang lahat habang ako? Wala.

"We're here." nabalik naman ako sa sarili ng marinig ko ang maginaw niyang boses.

"Salamat." Mahinahon kong sabi sa kanya at umalis na sa motor pagkatapos ko binigay sa kanya ang helmet.

Naramdaman ko namang may nakasunod sa akin kaya agad akong lumingon. "Bakit mo ba ako sinusundan?" Tanong ko dito.

"Gabi na. It's dangerous." Tama nga naman siya dahil hindi kasi makakapasok ang motor niya dahil sira-sira ang daan baka masira pa.

"Sanay na ako dito. Umuwi ka na." Sabi ko at naglakad na ulit.

"Why are you being so hard-headed?" She coldly asked at naglakad sa gilid ko.

"Sanay na nga ako kaya umuwi ka na tsaka gabi na o babyahe ka pa." Sumasakit iyong leeg ko kasi ang tangkad nga naman ng babaeng ito.

Hindi na siya sumagot at naglakad lang kaya tumahimik na din ako hanggang sa makaabot kami sa tapat ng bahay ko. Bahala siya.

"Salamat." Sabi ko dito at nakita ko naman itong tumitingin sa gilid. Hindi siguro sanay sa ganitong lugar dahil mayaman.

"Alam kong madumi kaya umalis ka na."

"I didn't say anything."

"Pero iyon ang iniisip mo. Sige, papasok na ako." Papasok na sana ako ng magsalita siya ulit.

"Your cheek is still red." Napahawak naman ako sa pisngi kong nasampal kanina. Tulog na naman din siguro sila tatay kaya hindi din nila ito makikita.

"Hindi na masakit."

"It's okay to cry." Tumingin naman ako sa kanya. "Ano?"

"Don't stop your tears from flowing kasi it makes you ugly." Hindi ko namang napigilang hindi matawa.

"Marunong ka pala mag joke, sungit?"

Nag scoff lang ito. "I'll go now." Akmang aalis na sana siya ng niyakap ko ito sa likod. Yes, nakaback-hug na ako sa kanya.

"What are you doing?" Tanong niya habang kinukuha ang kamay ko pero hinigpitan ko lang ito. Hindi ko din alam bakit siguro gusto ko lang ng yakap ngayon.

"Let go-" Hindi ko na napigilang maiyak habang sinusubsob ko ang mukha ko sa likod niya. I feel her calm down ng marinig niya akong umiiyak.

We stayed that way for almost 3 minutes. Hinayaan niya lang ako hanggang sa bumitaw ako.

"Here." Habang binibigay ang panyo niya.

"O-okay lang.." mahina kong sabi habang pinupunasan ang mukha ko gamit ang kamay ko.

"Tsk." Nabigla naman ako ng kunin niya ang kaliwang kamay ko, she leaned down para magka level na kami at pinunasan ang pisngi ko.

It All Started With A Slap (GSquad Series #1) GxG |UNEDITED|Where stories live. Discover now