Chapter 2

10.4K 346 38
                                    

Shyle's POV

Hindi ko napigilang sampalin siya kanina kasi hindi ko na kaya ang mga pinagsasabi niya.

"How are you feeling?" Hindi ko namalayan na pumasok pala si Sam at nakatingin sa akin na may halong pag-aalala sa kanyang mga mata.

"Good." tipid kong sagot at umiwas ng tingin sa kanya.

"You can't fool me." Cold naman niyang pagkasabi.

Hindi na lang ako nagsalita at tumingin sa may bintana.

"I heard what happened because it's all over the tea." Tea ang tawag sa site kung saan doon nakalagay ang mga tea sa school. Ewan ko ba sinong pasimuno niyan. Pinayagan lang din naman ng admin dito sa school.

"Can you just leave me alone, Sam? I'm tired." Pagod kong pagkasabi.

"Gusto mo kausapin ko siya?" Seryoso niyang pagkasabi kaya lumingon ako at nakita kong seryoso ito.

"I can handle myself." Nagpabuntong hininga na lang ako kasi alam ko kung paano siya magalit. Hindi obvious kasi mukha nito ay parang walang pake at tahimik lang minsan pero napakaprotective talaga at seryoso.

"Fine but sabihin mo sa akin kapag uulitin na naman niya."

Tumango naman ako at niyakap siya bago siyang umalis. Wala kasi akong kapatid at mabuti na lang nandiyan siya for me.

"Omygashh! Are you okay?!" Nabigla naman ako habang nakatingin sa kanya kasi ang lakas ng boses.

"Can you lower your voice paminsanminsan, Ave?" Irap ko sa kanya.

"Kasi naman ang init ng issue sa inyo ni Night." Marites talaga.

"Bakit niya ba kasi nasabi iyon?!" I just bit my lower lip para kumalma kasi naalala ko na naman iyong pinagsasabi niya kanina.

"Ewan ko. Naiinis ako sa kanya! Bakit ba kasi ang pakealamera niya sa sagot ko?! Gusto ko siyang sabunutan kanina mabuti na lang sampal iyong nabigay ko sa kanya." Galit kong pagkasabi habang tinapon ang papel sa basurahan.

Kung makasabi siya na iniwan ako ng ex ko parang kasalanan ko pa! Ano ba ang alam niya?!

"Look, this is what I was talking about earlier, sana kasi sa section ko ka na lang nag transfer." Napailing na lang ako.

"I'll make sure na she'll pay for what she said. Hinding hindi ako papayag na ganoon lang iyon." Seryoso kong pagkasabi kaya tumango naman itong si Averyl dahil alam niyang hindi na niya ako mapipigilan.

....

Night's POV

"Aray! Ang sakit ha!" sigaw ko habang hinahawakan ang pisngi ko.

"Deserve mo! Inaway mo kasi nasampal ka tuloy." pagsesermon sa akin ni Quinn.

"Ikaw naman kasi bakit mo naman sinabi iyon?" Kunot noo na sabi ni Kai.

Sa totoo lang, hindi ko rin alam hays..ewan..

"Hindi sa pinagdedefend ko siya ah. Pero iyong sinabi mo, masakit din iyon sa part niya lalo ng hindi natin alam kung ano talaga nangyari sa kanila." Grabeh talaga maka sermon tong isa. Deserve ko naman. May nag video kasi kanina at pinost sa tea ayon tuloy kumalat na sa buong campus. Mabuti na lang Quinn used her power as part of the student council to take it down bago pa makaabot sa principal's office.

It All Started With A Slap (GSquad Series #1) GxG |UNEDITED|Where stories live. Discover now