Chapter 4

9.1K 312 80
                                    

Night's POV

Nasa outdoor field na kami kasi outdoor volleyball pala ang lalaruin.

"Omygash!! Ackk section A!"

"Hi Night!!!"

"Night! Pansinin mo naman kami!"

"Night, pwede ba ako naman ang araw mo?!"

"Hala! Saan si baby Kai?

"Hi, Marco!"

"Notice me naman, Trent!" One of our classmates din.

"Uwu!"

Luh natawa naman ako doon at hindi na lang sila pinansin.

Break kasi ng ibang klase kaya nagsipuntahan sila ngayon dito para manood.

"Shyleeee!! Pakiss naman!"

"Ang ganda talaga tol."

"Single ka dibah? Ako na lang double mo."

"Ganda mo!"

Tumingin naman ako kay Shyle na kanina pa nakapokerface habang nakatayo sa may shade kasi ayaw yata magpainit. Ang arte talaga.

"Okay! Let's start sa basics pwede kayo maghanap ng partner to do those perfectly or pwede rin individual if gusto niyo."

Hays sayang wala si Kai. Ang boring naman. Taray naman itong si Marco pasimpleng pinuntahan si Kylie at tinuruan niya. Halata naman kasi na may crush rin itong si Kylie sa kanya eh.

Iyong ibang boys naman ay naglalaro na.

Ang girls naman ay nakaupo lang sa gilid at ang iba naman ay naglalaro na.

Hays, I'll just do it alone na lang captain naman ako ng volleyball team dati kaya easy lang ito.

"Night! Paano ba gawin ang serve?" Tanong naman ni Trent sa akin kaya tinuruan ko siya sa proper placement ng kamay at agad naman itong natuto.

"Make sure lang na ganito para maayos matamaan ang bola."

"Sige sige. Salamat ah. Ganda mo." Sigaw niya habang lumalayo sa akin kaya natawa na lang ako at nagpatuloy sa ginagawa ko.

....

Shyle's POV

Unbelievable, she's flirting. I just scoffed at nakastay pa rin sa may shade kasi ang init kaya.

Habang tinitignan ko siya, may naisip naman ako kaya tinawag ko ito.

"Collins!"

Tinawag ko siya pero hindi niya ako pinansin dahil nagpapatuloy lang ito sa paglalaro.

"Collins!" Aba hindi talaga ko pinapansin?! Humanda ka sa akin.

Babatuhin ko na sana siya ng bola ng may lumapit sa akin at walang iba kundi si Andrew.

"Ah hi? Uh baka kasi nauuhaw ka. For you." Ngiti niya sabay bigay sa tubig. What is he doing here?!

"I don't need that." Aalis na sana ako ng hinawakan niya muli ang kamay ko.

"What?! Ano bang gusto mo?!" Sigaw ko sa kanya pero hindi pa rin ito madinig ng iba kasi ang lawak ng lugar na ito at nasa gilid pa kami which is barely lang makita ng sir namin.

"Bakit mo ba kasi ako iniiwasan?"

"I am not avoiding you. I just want you to get lost." Hihilain ko na sana ang kamay ko pero mas lalo niya itong hinigpitan.

It All Started With A Slap (GSquad Series #1) GxG |UNEDITED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon