Chapter 10

8K 273 100
                                    

Night's POV

One week na since that happened and nakita ko talaga ang mga pagbabago. Okay sana kung pagbabago sa ekonomiya pero hindi eh.

Mas na busy kami dahil nag start na iyong practice for the upcoming event at iyon ang Music Festival.

And when I said na pagbabago, Quinn changed. Iyong dating palangiti at bubbly na Quinn, minsan lang ngumiti at lumabas kasama namin. Mas tinuon niya iyong mga araw at gabi niya sa pagtatrabaho at pag-aaral.

Si Kai naman ganoon pa rin in love ewan ko ba parang ginayuma ang tanga lang HAHAHAHHA.

Si Max naman, tahimik pa rin at palagi rin silang nag-aaway ni Margarette tuwing nagkikita sila sa campus.

Ang maldita naman, maldita pa rin at mag jowa pa rin sina Travis at Averyl.

At sa mga nagtatanong kung ano na nangyari sa akin? Okay lang naman ako, buhay pa chars HAHAHHA pero sa totoo naguguluhan na ako kasi after what happened sa river, mas lalong tumitibok ang puso ko if makikita ko si maldita. I swear kakausapin ko si Kai baka may mga multo talaga doon!

Si Sam ayon, naghihintay lang kung kailan pwede na siya kausapin ni Quinn. Ang gulo talaga!

Naglalakad ako ngayon sa may corregidor while bringing these books sa library kasi task ko ito na binigay ni sir Alex sa akin.

"Night? Tulungan na kita." Agad naman akong lumingon at nakita si Margarette.

"Ah no need pero salamat ah." I smiled at ngumiti naman ito.

"Sige, sasabay na lang ako sa'yo kasi pupunta rin ako sa lib. May kukunin lang." She said kaya I nodded.

"Here you go po, ma'am Elle." Sabi ko sa librarian namin ng makapasok na kami.

"Salamat, Night." She softly said. Close na rin kasi kami ni ma'am dahil palabiro rin ito at tambay rin ako sa lib.

"Wala kayong class?" Tanong ko kay Margarette noong nakalabas na kami sa lib.

"Mamaya pang 2pm. Ikaw?"

"Meron kami ngayong 10am wala na mamaya. Puro practice na."

"True. Busy na rin ang mga students and teachers."

When it comes to events kasi dito sa Heirlion High, ang grabeh ng mga practices at need talaga na seryosohin kasi pwede ring pumunta ang other universities or schools dito lalo na iyong karibal namin na school na Juxion High at ang friend universities namin na Wreshin High at ang Dovewit High.

Schools Rank:

1. Herlion High
2. Juxion High
3. Wreshin High
4. Dovewit High

"May sinalihan ka, Night?"

"Ah oo kami ni Kai sa duo singing contest. Ikaw?"

"Solo hehe."

"Wow! You know how to sing?"

"Hindi naman masyado pero iyong okay rin naman sa pandinig Ahhahaha." Luh ang ganda niya talaga ngumiti at tumawa.

Habang tumatawa naman kami dahil sa mga kwento ko, may bigla namang umubo sa gilid ko na nagpatigil sa akin na para bang na robot ako parang tanga lang Night.

It All Started With A Slap (GSquad Series #1) GxG |UNEDITED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon