Chapter 14

7.9K 255 96
                                    

Night's POV

3rd day na namin dito and so far so good naman. Mas ginalingan ko na rin ang mga moves ko siyempre.

Kakalabas ko lang sa room namin at nakita ko naman silang nag swi-swimming na.

Agad naman akong natigilan ng makita ko ang suot ni maldita. Jusko ang sexy naman ata niyan pero slay niya kaya okay lang. She can wear anything she wants naman eh.

"Mabuti naman at gumising ka pa este gising ka na." Binatukan ko naman si Quinn.

"Grabeh ka ah ang aga pa pero naka one point ka na sa akin." Natawa naman ito.

"Hindi ka maliligo?"

"Mamaya na siguro." sabi niya habang nakahiga lang sa may upuan.

"NIGHT! QUINN! HALI NA KAYO!" sigaw ni Kai before jumping off the cliff with Max. Wew naka bikini si kendi ah.

"Mukhang masaya, hali ka na oi." Yaya ko kay Quinn at tumango naman ito.

Parehas kami ng suot. Nag loose shirt lang kasi wala ako sa mood mag bikini and itong si Quinn naman ay hindi rin mahilig sa mga showy na damit.

"Eh ang lalim naman nito oi! Ayaw ko pa mamatay." Natatakot kong sabi pagkapunta namin sa itaas.

"Lakas maka-aya sa akin kanina tapos takot naman pala." Quinn replied kaya inirapan ko ito.

"It's not that deep, Night." Sabi ni Sam na hindi ko namalayan nandito rin pala.

"Anong it's not that deep eh ang taas natin o."

"Tumalon ka daw tapos pagnasa ibaba ka na sabihin mo sa akin if malalim ba." Quinn said na ikinatawa naman nila.

"Gaga ano ako? Sacrificial lamb?" Natawa naman ito.

"Hali na kayo!" Kai shouted below.

"I'll go first." Napanganga naman ako noong nag backflip pa siya while jumping off the cliff.

"The heck?! Paano niya nagawa iyon?"

"Grabeh may tinatagong talent pala si Quinn?" Natatawang sabi ni Noah at sumunod na tumalon.

"Ikaw na, Night." Sam said.

Kinabahan naman ako at tumingin ulit jusko ang lalim. Nakita ko naman ang mga gago na nagtatawanan na habang nakatingin sa amin dito sa itaas.

Dumating naman si Margarette at si Shane.

"Kayo na muna hehe." Nakangiting sabi ko sa kanila.

"Why? You should go first, Night. You're here first than us anyway." Shane sassily said. Hays itong babaeng ito.

"Tsk, takot ka?" Tumingin naman ako kay maldita na nakangiting panunukso na ngayon. Kakadating lang niya with Averyl and Travis.

"Ha? Hindi ah." Sabi ko habang pinapawisan na. Bwesit!

"You look scared." She said at pumunta sa gilid ko.

"Mukhang natatae ka!" Sigaw ni Kai sa ibaba na ikinatawa nila. Gago talaga!

"Tatalon ka?" I asked nervously.

"Lilipad." She joked.

It All Started With A Slap (GSquad Series #1) GxG |UNEDITED|Where stories live. Discover now