Chapter 5

8.6K 239 42
                                    

Night's POV

It has been two weeks since na injured si Shyle at believe me those weeks were hell for me!

Flashback

"I said bitawan mo ako!" I covered my ears kasi ang lakas jusko.

"Matutumba ka if hindi kita hahawakan." I responded pero tinulak lang niya ako.

Hinayaan ko na lang at umupo sa may bench kasi nandito kami sa school gate ngayon dahil nakita ko siyang nahihirapan sa paglalakad gamit ang crutches. Wala pa kasi ang sundo niya.

Nabalik naman ako sa reality ng may mga lalaki from the track and field na tumatakbo ngayon kaya agad ko namang hinila si Shyle kaya napayakap ito sa akin.

"Tsk! Sabi ko naman sa'yo na umupo ka na lang baka na paano ka pa!" I seriously said.

"Are you shouting at me?!" She slightly pushed me at nag scoff.

"Sorry, nag-aalala lang naman ako."  Wow nag-aalala ka? Sambit naman ng aking utak.

She just rolled her eyes. "Buy me some food sa cafeteria. I'm hungry." she demanded kaya tumango na lang ako.

End of flashback

Mabuti na lang magaling na siya ngayon pero maldita pa rin.

Magaan ang araw ko dahil Friday na tapos wala siya kasi may meeting daw ang student council kaya walang gagambala sa akin ang saya lang.

Hindi na ako bumaba ng canteen to eat my snack. Nag stay na lang ako sa room habang ginagawa ang assignment ko para wala na akong gagawin pag-uwi sa bahay baka kasi may pa gala-gala naman itong tatlo dahil Friday ngayon.

"Ano ba iyang ginagawa mo?" Tanong sa akin ni Kai habang naglalaro sa kanyang phone dito sa tabi ko.

"Ginagawa ko lang iyong homework natin sa Statistics and Probability para wala na akong gagawin sa bahay."

"Kaya nga homework dibah? Para gawin sa bahay."

"Baka kasi mangyari ulit iyong noon na hindi ako nakagawa dahil nalimutan ko dahil niyaya tayo ni Max na mag out of town agad-agad."

Natawa naman siya habang tumatango na naglalaro sa kanyang phone.

"Oi tamang-tama nandito kayong dalawa." Nakangiting sabi sa amin ni Marco kaya nakakunot noo naman akong tumingin sa kanya habang si Kai ay naglalaro pa rin.

"Bakit? May kailangan ka?" Tanong ko sa kanya. Magkaibigan na rin kasi kami ni Marco dahil close rin kaming mga classmates dito sa section namin except sa isang maldita.

"Sasabihin ko lang mamaya sa soccer field kasi may practice kami mamaya eh so pwede ba na doon na lang tayo mag-usap tatlo after class?"

"Ah sige sige." I smiled at tumingin naman siya ni Kai.

"Oo, pupunta ako bro." Sabi naman ni Kai kaya hinawakan ni Marco ang amibg mga balikat at nagpasalamat bago umalis.

At iyon na nga natapos rin ang aming subjects this morning at nandito na kami sa canteen ngayon kumakain.

"Where is Quinn?" Tanong ni Max.

"Meeting na naman daw eh." Sagot naman namin ni Kai.

Nakita ko naman si Margarette kaya tinawag ko ito at agad naman itong lumapit sa amin.

"Bakit, Ni-ikaw?!" sigaw niya habang tinuturo si Max.

It All Started With A Slap (GSquad Series #1) GxG |UNEDITED|On viuen les histories. Descobreix ara