Chapter 199: The truth

334 4 0
                                    

Lhezandra Pov:

🔆3 days later🔆

Busy kami sa pag review buong maghapon, kasi next week na exam namin. Si Besh sa hospital na nag rereview di pa kasi pinapayagan ni Prince na lumabas ng hospital hanggang sa hindi pa nakakasiguro na tuluyan nang nakarecover si Besh. Kaya ayun, maging si Prince doon nalalagi sa hospital. Sa Saturday na ang birthday ni besh kaya excited na ako!

Napakasaya ko para sa kanila, kasi maayos na sila. Sobra man hirap ang pinagdaanan nila pero napagtagumpayan parin nilang dalawa.

Kami ni Dave? Ayuko munang pag usapan.

"Liza!!!!"

Napalingon ako sa direksyon at napangiti.

"Tara na?" Tanong ni Mawi na nagpatango saakin.
"Let's go" Usap ni Gael.

Napangiti muli ako. Buti pa sila ang tatag nang relationship nila. Kasi napabago ni Mawi ang womanizer na si Gael.

Ako? Hindi ko kelanman mapapalitan ang past kahit nakalipas na.

"Tara na Liza"

Napatango ako at sumabay na sa kanila.

Bibisitahin kasi namin si Alixia. Di pa kasi pwedeng lumabas si Bestie kaya kami muna.

Hanggang ngayon comatose parin daw si Alixia. Naaawa ako sa kanya, kahit marami syang nagawang kasalanan saakin. Alam ko may part parin dun na naging totoo sya sa pinagsamahan namin.

________________________________________________

🔆 TIME SKIPPED 🔆

"Room 049 wifey, Cr muna ako" Baling ni Gael tsaka hinagkan si Mawi sa pisngi at naglakad na palayo.

"Ayieh!" Ngiting ngiti ko.

"Hoy! Tumigil ka nga" Pabulong na saway nito sakin dahil pinagtitinginan na si Mawi.

Naglakad na kami para hanapin ang room ni Alixia.

"Liza no need na ba yung sinusuot na hospital code dress? Alam mo Yun, ung may hairnet pa and mask?" Tanong sakin ni Mawi.

Di ko din alam eh.

"No need na ata" Tugon ko.

*Cring🎶🎶* (Phone ringing)

"Teka si Clarissa, sagutin ko lang" Baling ni Mawi at sinagot muna tawag.

Napalingon ako sa room ni Alixia dahil malapit na ako.
Nalaman ko na ung tita lang ni Alixia ang tanging nagbabantay kasi ung parents ni Alixia nasa ibang bansa. Kaya minsan walang bantay si Alixia kaya nakakaawa naman.

Ayst! Kakalungkot naman ng life nya.

Wala sa sariling naglakad na ako sa direksyon at hinawakan ang doorknob. Nanginginig ko iyong binuksan.

Napalaki ang mga mata ko at nahigit ang hininga sa naabutan.

"H-himarih!" Nanginginig na sigaw ko nang nakahawak na ito sa oxygen mask ni Alixia na akmang tatanggalin na.

Nanlalaki ang mga mata nitong napalingon sa direksyon ko.

"Wag!" Muling sigaw ko at tumakbo patungo sa direksyon kahit sobra na ang panghihina ko ng subukan na nitong hilahin iyon.

Hinawakan ko ang braso nito at hinila palayo kay Alixia na kasalukuyan pang nakaratay ngayon.

"Get off!"

Napaupo ako sa sahig ng malakas ako nitong tinulak.

"Himarih!"

Rinig ko na ang pagpasok ni Mawi.
Kahit nanghihina pilit na akong tumayo.

Part 2 of Book 2 (WTCHMTSG): When The Campus Hearthrobs Fall In love with the siWhere stories live. Discover now