Ubo lang ako nang ubo. Nagulat sa sinabi ni Pamela.




"Kung ano anong pinagsasasabi mo, Pam."




"Totoo naman, eh. Ganoon daw iyon kapag hindi napagbibigyan ng—"



"Manahimik ka at nandyan na siya. Baka marinig ka," pagpapatahimik ko sa kaniya.




Napatingin ako sa bagong pasok na si Zahira Hernandez, ang professor naming walang kasing sungit at terror. Maganda siya, hindi ko maipagkakaila iyon, halos perpekto na kung ilalarawan. Matangkad, balingkinitan ang katawan, maputi at makinis ang balat, mahaba ang tila umaalon niyang kulay itim na buhok, almost perfect pero mapapaatras ka kapag tinitigan ka na nang malalamig niyang mga mata. Pero kahit ganoon ay marami pa rin akong nalalaman na nagkakagusto sa kaniya, mapaestudyante man o kapwa niya professor, kahit pa man alam nilang may asawa na ito.



Nakasuot siya ngayon ng black slacks, white na panloob at coat, matalas din ang suot niyang black heels. Ang linis niyang tignan sa suot niya.



She's already 25 years old, 3 years older than me pero parang kaedad ko lang siya kung titignan dahil ang batang tignan ng mukha niya.



"Titig na titig kay Hernandez, ah. May asawa na 'yan, oy." Pumitik si Pam sa harap ko dahilan para magbalik ang tingin ko sa kaniya.



Muli akong napabuntong-hininga. Kung alam mo lang, Pam.



"Wala pa kayang anak 'yang si ma'am? 'Di ba matagal na rin ata silang kasal ng asawa niya?" Parang asong curious na tanong niya. "Pogi kaya ang asawa niya? Malamang, kasi maganda si ma'am. Pero malay natin naniniwala si ma'am sa kantang 'humanap ka ng pangit at ibigin mong tunay'." Kanta nito.



Hindi gwapo o pogi ang asawa niya. At napakalayong hindi pangit.



Napailing-iling ako.



"Kahit ganyan kasungit si ma'am, swerte pa rin ng asawa niya. Nakajackpot."


Sana nakajackpot, kaso hindi.



"Paano kaya magmahal 'yang si ma'am? Para nga siyang naglalakad na yelo, ni hindi mo alam kung masaya pa ba siya sa buhay niya o napipilitan na lang siyang mabuhay."



"Gago!" Natatawang binato ko si Pamela ng straw na gamit ko lang kanina. Sapul ang mukha niya pero hindi pa rin siya tumigil.




"Seryoso nga. Sa tingin mo masaya pa siya sa buhay niya? Pero nasa kaniya na ang lahat. She's beautiful, she has a perfect body, she's smart. You think may kulang pa?"


"Kulang siya nang magandang ugali," seryosong sambit ko.



Muli na namang pumasok sa isip ko iyong pag-iwan niya sa akin kanina. Mas lalo lang akong naiinis.



"Pero para sa akin parang mas bagay sa kaniya iyong ganoong personality—"



"Tumigil ka nga, Pam. Never naging bagay sa tao ang ganoong personality—"




"Bakit ba, Ember? Opinyon ko nga lang 'yon."



Inirapan ko ang kaibigan ko at muling kinuha ang cellphone ko dahil may tumatawag. Si mama. Nagdadalawang-isip pa ako kung sasagutin ko ito dahil alam ko na kung ano ang dahilan ng pagtawag niya.




"Ember, anak," bati ng nasa kabilang linya.




Nagsign ako kay Pamela na lalabas lang ako para kausapin si mama at nang makalabas ay doon na ako nagsalita.



"Ma, good morning. Napatawag po kayo?"



"Bawal na bang tawagan ang prinsesa ko?" Biro nito pero hindi ako natawa. "May dinner tayo mamaya with Zahira's parents. Huwag kayong malelate, okay? Dito sa bahay magaganap. Nasabi ko na kay Zahira kaya ikaw naman ang tinawagan ko."



Buti hindi niya nasabi iyong hindi ko pagpasok sa klase niya dahil nalate ako at hindi na naman ako nakapagtake ng quiz sa kaniya.



Bumuntong-hininga ako, "okay, ma." Tanging nasagot ko.




"Are you with Zahira, 'nak?"



"No, ma."



"Are you okay? Nag-away ba kayo ng asawa—"



"Ma!" Suway ko kay mama, "nandito ako sa school for pete's sake. Mamaya may makarinig."




"Ano naman, 'nak? Matagal naman na kayong kasal—"




"Sige na, ma. May klase na po ako," paalam ko at iritang pinatay ang tawag.




Ginulo ko ang buhok ko out of frustration. Ilang segundo kong pinakalma ang sarili ko sa labas ng canteen bago ulit pumasok. Hindi pa man ako nakakarating sa table namin ni Pamela nang muling napadpad ang mga mata ko sa direksyon ni Zahira, ang professor namin at ang babaeng tinutukoy ni mama sa tawag kanina.




Yes, kasal kami ni Zahira. Sa papel, mag-asawa kami. Sa ayaw at sa gusto ko, asawa ko ang masungit at terror na professor sa university namin. Walang ibang nakakaalam sa relasyon namin kundi ang pamilya lang namin. Even dito sa school, at sa kaibigan ko ay hindi nila alam.



Ilang beses ko nang kinausap ang mga magulang ko noon about sa naging desisyon nila sa amin ni Zahira pero hindi na nagbago iyon. Matalik na magkakaibigan ang mga magulang namin, kaya siguro ito ang naging desisyon nila. Dito kami dinala ng pagkakaibigan nila.




Muli akong bumuntong-hinga. Sa dinami-rami ng pupwede nilang ipakasal sa akin ay siya pa. Iyong taong malabong magugustuhan ko pa ang pinakasal nila sa akin.












***

Secretly Married To My Professor [GL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon