075.

3 0 0
                                    

_

Hindi ako makafocus sa lecture dahil sa dalawang asungot na 'to. Hindi naman ako maganda para pag-agawan, pero bakit? bakit ako pa? ano bang nakita nila sa akin na hindi ko makita sa salamin?

"Before we end our class for today, I want to announce that you will be having a performance task," nakaramdam ako ng kaba ng dahil sa sinabi ni ma'am,"this is your chance na makabawi, mababa ang grades n'yo sa akin kaya pagbibigyan ko kayo na maitaas pa ito."

Nagbulong-bulungan ang nga kaklase ko. Pumasok sa isip ko na kailangan ko itong gawin para makabawi, at kahit ano pa ang performance task na ito ay hinding-hindi ko aatrasan.

"Theater play ang gagawin n'yo,"

Kumupas ang aking ngiti ng marinig 'yon.

"Kayo ng bahala sa pipiliin n'yo, it's either mag-mala Romeo at Juliet kayo basta maitawid n'yo ng malinis at nakakaaliw nang inyong performance. About role playing ang ating topic kaya inaasahan ko na maiapply n'yo ang inyong mga natutuhan, this will help you enhance your communication skill and withstand stage fright. You will perform as a group, but you will be graded individually," napuno ng katahimikan ang classroom. Mukhang hindi inaasahan ang pinapagawa ni ma'am. H'wag n'ya sanang sabihin na—

"Inaasahan ni mr. Javier Thompson ang nakakaaliw na palabas. Manonood rin ang ating principal at iilang mga estudyante kaya inaasahan ko na maging smooth at malinis ang inyong pagtatanghal,"

Parang pinagbagsakan ako ng langit at lupa.

RESTART (unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon