062.

4 0 0
                                    

_

Kaagad kong pinatay ang tawag ng dumukwang si Franz.

"Sino kausap mo?" tanong nito kahit na puno ng pagkain ang bibig n'ya,"boyfriend mo ba 'yon?" dagdag pa nito.

"Hindi," mabilis kong tugon. Parang may mali yata dahil kahit s'ya 'yong nagsasalita habang kumakain ako pa itong nabilaukan sa sarili kong laway. Malas!

Kaagad n'ya naman akong inabotan ng tubig at naupo ito sa aking tabi. Matapos kong maubos ang tubig ay kaagad kong nilapag ang baso sa lamesa at hinarap ito.

"Mylabs?" patanong na sambit ko.

"Yes mylabs, need me?"

Binatukan ko ito,"tinatanong ko kung bakit mo ako tinawag na mylabs," nakangiwing aniko. Pakamot-kamot lang s'ya sa batok n'ya at parang disappointed.

RESTART (unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon