069.

3 0 0
                                    

_

Pinaliwanag ko na kay Alyssa na kababata ko lang itong si Franz at dating classmate ko noong nasa probinsiya pa lamang kami. Parang sobrang saya pa nitong babaeng 'to ng malaman n'ya 'yon, baka raw si Franz na talaga ang itinadhana para sa kaniya, tsk, tsk.

Ako ang nauunang maglakad habang 'yong dalawa nasa likod. Naririnig ko ang daing ni Franz dahil parang ayaw n'ya sa kakulitan ni Alyssa pero palihim lang akong natatawa at nagbingi-bingihan.

Napahinto ako ng mapansin ang kumpolan ng mga estudyante. Parang may artista na bumisita sa lagay na 'yan. Baka visitor lang?

"Sino kaya 'yon?" wala sa sariling aniko. Lumapit sa akin si Alyssa na kinakaladkad si Franz.

"Hmm, hindi ko rin alam pero naamoy ko na pogi s'ya," aniya nito.

Lakas ng pang-amoy ah

RESTART (unedited)Where stories live. Discover now