056.

5 0 0
                                    

_

"Pris, bakit ka naman kasi tumakbo ng gano'n kabilis? alam mo namang mahina baga mo," panenermon ni Franz,"akala mo runner eh, tsk. Lagot ka talaga kay Tita Cecil kapag nalaman n'ya 'yan."

"Subukan mo lang, lagot ka sa'kin," dahil sa sinabi ko ay natahimik na ito. Madilim na rin ng makarating kami sa paupahan. Jeep lang ang sinakyan namin dahil 'yon lang ang kaya ng budget.

"Dito ka nakatira?" tanong nito na s'yang tinanguan ko.

Sinamahan ko s'ya sa landlady at mukhang sinuswerte si Franz ngayon dahil kanina Lang daw ay umalis na ang nagungupahan sa baba kaya pwede na s'yang manatili do'n. Umakyat na ako sa aking kwarto at kaagad na binuksan ang aking cellphone para i-text si mama pero nag-pop up sa screen ang chathead ni—Scott?

Kailan pa 'to natutong mag-first move?

RESTART (unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon