017.

5 0 0
                                    

_

Last subject na lang ang naabotan ko dahil sa mga nangyari kanina. Namomroblema tuloy ako kung paano ako makakabawi sa grade. Ngayon lang kasi ako umabsent, at napagkamalan pang nagcutting. Pero buti na lang nandito si Alyssa upang icheer up ako at pinipilit na bumawi na lang daw ako sa sunod. After class dinala n'ya ako dito sa isang ice cream shop. Sinabi n'ya na kaunti lang naman daw ang tao dito kaya pumayag kaagad ako.

"Ang sarap pala ng ice cream dito 'no?" manghang aniko.

"Sabi ko naman sa'yo eh, masarap talaga dito ang ice cream. Parang 'yong gumagawa nito," sinundan ko ang tingin nito at huminto 'yon sa lalaking nasa counter. Maitsura s'ya kaya't malamang na pinagpapantasyahan s'ya ni Alyssa, tsk, tsk.

"Ayan ka na naman sa mga ano eh—hoy ice cream ko 'yan!" sigaw ko ng biglang may umagaw sa hawak ko. Dire-diretso lang ito sa lakad at parang walang narinig.

RESTART (unedited)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ