020.

5 0 0
                                    

_

Nakabusangot akong umuwi sa bagong bahay na inuupahan ko. Nagtext ako kaagad kay mama na nakauwi na ako. Nasa probinsiya sila. Kinailangan ko kasing lumuwas para mag-aral malayo sa aking pamilya, kaya kailangan kong mag-aral ng mabuti para masuklian ang paghihirap nila.

Hiniga ko ang aking sarili at ipinikit ang aking mata. Habang nakapikit ay iniisip ko ang mga gastusin. Binabudget ko 'yon sa aking isipan.

Bumangon ako at napatingin sa aking piggy bank. Kinalog ko ito at nalamang kakaunti na lang ang laman. Scholar ako pero aminadong hindi sapat.

Napabuntong hininga ako,"mukhang kakailanganin ko ng simulan ang paghahanap ng trabaho."

RESTART (unedited)Where stories live. Discover now