054.

4 0 0
                                    

_

"You came to the right person!" nakangiting aniko. Dahil doon ay napatalon pa ito sa tuwa at niyakap ang maleta n'ya.

Sinabi ko sa kaniya na hintayin na lang ako sa may gate dahil may kailangan pa akong gawin. Masunurin naman 'yon kaya hindi na s'ya nagtanong pa. Nagtungo kaagad ako sa guidance office, umaasang nandoon pa si Scott.

Pero sabi ng Dean hindi n'ya raw namalayan na nakaalis na si Scott. Kanina lang ay may inaasikaso pa raw ito sa office pero bigla na lang nawala.

"Umuwi na kaya s'ya?" napanguso ako at nagpatuloy na sa paglakad. Hindi ko alam pero kusa akong dinala ng aking mga paa sa gymnasium.

Nang makarating doon ay hindi ako tuluyang pumasok ng mapansing may tao dito.

"Fvck if this shoots, it means that guy is her boyfriend," hinagis n'ya ang bola sa ring at matapos 'yon ay sinipa nito ang carier na naglalaman ng iba pang bola dahilan upang magkalat ito sa sahig.

RESTART (unedited)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora