Chapter 4

48 1 0
                                    

Nagising ako na para bang hindi talaga ako natulog. Pagod ang buong katawan ko at nanghihina ang mga binti ko. Agad ko namang naramdaman ang bigat sa tiyan ko.

Dahan-dahan akong lumingon sa tabi ko at...

Shit!

Nanlaki ang mga mata ko nang makilala ang lalaking katabi ko ngayon. Mr. Luxury Car! Tiningnan ko ang buong katawan kong walang saplot at tanging kumot lang ang humaharang dito.

Cali! Ano bang ginawa mo kagabi?

Inalala ko ang mga nangyare. Natatandaan kong may naka-halikan akong lalake. Muntikan pa ako noong isama sa kung saan pero buti nalang hindi natuloy. Buti nalang?! Seriously?! Eh meron nga akong katabi ngayon!

Napamura ako sa isip nang maalala kong ako ang unang humalik sakanya. Tandang-tanda ko lahat pati ang...

Shit! Shit! Shit!

Dahan-dahan kong inalis ang braso nitong nakayakap sa bewang ko. Gumalaw siya at nagbago ang pwesto. Nakatalikod na ito sa akin ngayon.

Phew! Good job, Cali!

Agad akong nagbihis at dali-daling lumabas. Hindi ko na naisip pang mag-banyo dahil gusto kong takasan ang lalaking ito. Kahit pa mayaman siya, mali pa rin ito. Mas lalong hindi matutuwa si Dad kapag nalaman niya 'to. Matagal kong iningatan 'yon tapos sa kanya ko lang ibibigay?!

Paika-ika akong nananakbo papunta sa elevator. Agad ko namang tinawagan ang kaibigan kong lasing din kagabi.

"Cali! Nasaan ka ba nagsususuot? Kagabi pa kita hinahanap! Humarot ka ano?" at talagang may oras pa itong magbiro.

"Ikaw? Wala ba? Saan ka ba nagpunta kagabi?"

"So uhmm...susunduin kita! Saka ko nalang sasabihin sa 'yo kapag magkasama na tayo."

Tinext ko naman sa kaniya agad ang pangalan ng hotel. My goodness kailangan ko na talagang umalis dito!

Paano kung nakilala niya ako? Boba syempre! Aaarrrggghhh!

Sabay hampas ko sa noo ko. Bakit ba naman kasi padalos-dalos ako? Letcheng alak talaga 'yan! Hindi na talaga mauulit.

After waiting for 5mins, dumating na rin si Eugene. Sumakay ako sa passenger's seat.

"So ito na nga ang chismis. Kagabi lasing ako tapos hindi kita mahanap. Parang gago yung alak ang lakas ng tama ko sobra pero buti nalang,"

"May nasukahan ako. Pogi, maganda yung pangangatawan, ang hot sobra tapos ganda pa ng ngipin. Alam mo kung anong una kong sinabi nung lumapit siya sa 'kin? "choke me daddy!" 'di ba! Nakakahiya na medyo hindi,"

"His name is Andrew Valdejo. We didn't do that thing tho. Tinulungan lang niya akong maka-uwi sa bahay. Tapos ayon kaninang umaga naalala kita. Magtatawag na sana ako ng mga pulis kung hindi ka lang tumawag at nagpasundo. Anyway,"

At ito na nga ang simula.

"Bakit ka nasa hotel? Nagcheck-in ka or may kasama ka? Do you know him or her?" wth is with her questions!

"Don't tell this to anybody even my mom or dad."

"Kahit patayin nila ako, isasama ko sa hukay 'yang chismis mo. So ano na nga?" curious na curious nitong tanong.

"Remember the guy I told you? Yung aksidente kong nabangga yung kotse? Si Mr. Luxury Car, well...he's with me last night,"

Umirit ito sabay hampas sa braso ko. Jusko baka makasagasa ito sa ginagawa niya.

"Tumingin ka sa daanan!" pasigaw kong sabi dahil natatakot ako sa pagewang-gewang nitong pagda-drive.

"Omg bestie! So magaling ba si Mr. Luxury Car?"

Bigla naman akong pinamulahan sa tanong niya. Remembering what happened last night gives me butterflies in the stomach.

"On a scale of 1-10, he's 11." sagot ko.

Halos mapakapit na ako sa seatbelt dahil bigla niyang naapakan yung brake.

"Shemay! Grabe ibang-iba ka na talaga Cali!" kilig na kilig pa nitong irit.

"Leche! Ako na magda-drive itabi mo!"

Humalakhak pa ito dahil sa itsura ko. Nagpalit kami ng pwesto kaya ako na ang nagda-drive ngayon.

While driving, tumunog ang phone ko kaya naman sinagot ko ito pero this time, naging maingat ako at sinigurado ko talagang walang sasakyan sa harap ko bago sagutin ang call.

"Hello? Steph? Any problems?"

"Not a problem Ma'am but I received an email from Montegremory, they invited you to a dinner meeting."

"Thanks for that. Send me the details about this meeting."

"On it, Ma'am."

Ako ang nagmaneho hanggang sa maihatid ko si Eugene sa condo niya.

"Thank you sa paghatid! Pwede mo namang gamitin yung kotse ko para hindi ka na mag-cab."

"No worries. Napagod din akong mag-drive. Una na ako at mayroon pa akong iche-check na mails." paalam ko kay Eugene.

"Sige, ingat ka ha? Send mo sa 'kin yung plate number ng cab para sure. Call me if you feel unsafe."

"Yeah, will do." then I waved goodbye.

Sumakay ako sa cab papunta sa Forbes Village. This is where I live. A very strict village which is heavily guarded. No one can enter unless someone who owns a house confirmed it.

Pumasok ako sa bahay at binuksan ang mga ilaw. After kong maligo ay agad kong kinuha ang phone ko.

To Mom:
Hi, Mom. Is Sunshine still awake? I just got home.

Matagal kong hinintay ang reply nito. Syempre, ano pa bang bago?

From Mom:
Why don't you come here and get your filthy adopted child? She's getting into my nerves! Kanina pa iyak nang iyak!

Huminga ako nang malalim bago muling nagtipa.

To Mom:
Sorry. Please don't hurt her.

From Mom:
Don't expect that I won't.

Nilukob nanaman ako ng galit. She's Esther, Dad's second wife and we were never close. She was not my real Mom. Matagal nang wala ang nanay ko dahil sa malubhang sakit. I didn't expect Dad to find a girl like this. Lagi siyang pinapaboran ng ama ko kaya kahit gusto ko na siyang sabunutan ay hindi ko magawa. Hindi rin ako makalaban kay Dad dahil ang kompanya niya ang bumubuhay sa amin ni Sunshine. Kapag inalis niya ako sa pwesto, hindi ko alam kung ano na ang mangyayari sa amin ng anak ko.

Sunshine is the sweetest girl. She doesn't deserve those mean words coming from that lady. Kaya lang naman siya naiiwan sa mansion na 'yon ay dahil hindi ko siya maaalagaan lalo na kapag nasa trabaho ako. Hindi ko rin naman siya pwedeng ibilin kay Eugene dahil busy din ito sa shop niya. Ayoko ring mag-hire ng katulong dahil wala akong tiwala. Sa totoo niyan, gusto ko na talagang bumuo ng sarili kong pamilya pero hinahadlangan ito ni Dad. Kesyo hindi pa raw pwede at may plano pa raw siya sa 'kin. Mag-adopt nalang daw ako pero hindi porket siya ang nag-suggest no'n ay magiging maayos ang lahat.

Oo nga't nag-suggest siya pero kapalit naman no'n ang oras ko. Ako ang inatasan niya sa kompanya namin habang siya, nagpapakasaya kasama yung babae na 'yon. Kumbaga, bukod sa binubuhay ko ang sarili ko at si Sunshine, pati sila ay damay na rin. Naisip ko na sana pala hindi ko ginalingan sa trabaho para hindi matuwa ang ama ko at ipaubaya sa akin ang trabaho na 'yon.

Habang tulala ako ay nakatanggap ako ng email sa Montegremory Corp. I opened the mail. It was the meeting place. Nangunot ang noo ko nang mapansing sa rooftop ng Klassique Restaurant. Is he that private when it comes to meetings? Saka bakit sa rooftop? Anong meron do'n?

The suddenly, sumagi sa isip ko si Mr. Luxury Car. Up until now, hindi ko alam ang pangalan niya. Nagsimulang bumalik ang ala-ala ko no'ng gabing 'yon.

Goodness, Cali! I'm so disappointed in you! Hindi porket gwapo e pinatulan mo na. Gaga ka talaga!

His Lustful Proposal - (Ongoing)Where stories live. Discover now