Chapter 1

98 0 0
                                    

"Cali!" dali-daling tumakbo sa akin si Eugene. "Grabe naiiyak ako dahil nakapunta ka."

"It's your first shop. Come on, I would make time for you." I smiled at her.

Eugene is my bestfriend since elementary. Siya ang natatakbuhan ko tuwing may problema ako. Same goes with her, ako rin ang takbuhan niya. Sabay naming tinupad ang pangarap namin na magkaroon ng sariling negosyo. And today was the opening of her first coffee shop.

"Oh shut up, Cali. Kinikilig ako!" sabay hampas nito sa 'kin.

"Hindi mo talaga ako papapasukin? Sige dito nalang ako magkakape. Salamat sa lahat Eugene." pagdadrama ko.

"Kahit kailan talaga, Cali! Ikaw nga yung first customer ko tapos hindi kita papapasukin? Syempre..."

I covered my ears and went inside. Hindi ko na siya hinintay na matapos sa dinadaldal niya.

"Wow! So bastos!" she said habang nakatayo sa harap ko. Nakatingin ito nang masama sa 'kin.

"I'll have a caramel macchiato." I smiled.

"Hindi ako waiter dito baliw! Pumunta ka sa counter." sabay ngisi nito.

"Grabe I'll make sure to rate 0 out of 5 stars. Ayaw mo akong pagsilbihan sa unang shop mo? Parang dati, nag-iinit ka pa ng tubig tapos ikaw magtitimpla ng greatest white ko." reklamo ko.

"Dati 'yon. Besides, malaki kana."

Tumayo ako at siningkitan siya ng tingin.

"Hi, an espresso please. Caramel Macchiato at ikaw na lang din mamili ng kape ng boss mo."

"She loves Cappuccino po kaya one Caramel Macchiato and one Cappuccino. Please wait po."

I went back to my seat at ang bruha naman ay malapad ang ngiti.

"I forgot to order some bread. Anong best seller niyo?" I asked. Alam ko namang kao-open lang ng store pero gusto kong mang-asar.

Biglang nawala ang ngiti sa labi ni Eugene. Good!

"Best seller? Really? What a joke." she's pissed.

"Oh are you pissed?"

"Obvious ba, Cali? Eh kung lagyan ko ng lason yung kape mo?"

"Whatever. Papupuntahin ko mamaya dito yung mga empleyado ko. I'll treat them since I'm a good boss. Here's my card. Bukas ko nalang kukunin sa 'yo ha?"

"That's sweet of you, Madam Cali. Wala nang bawian ha?" she grinned. "Paano ko pala malalaman kung empleyado mo sila?"

"Sa lace nila. Apilyedo ko lang naman yung nakalagay do'n. Saka isipin mo nalang din na pa-celebration ko 'yon dahil nagbukas na 'tong first ever shop mo."

"Grabe naiiyak ako, Calipot. Sana araw-araw kang mabait para may pa-buenas ako." natatawa niyang sabi.

"Edi malulugi ako?"

"Nope. Never in my mind na naisip kong malulugi ka. Napaka-workaholic mo kaya. Buti nalang malapit shop ko sa 'yo. If ever na gusto mong magpadeliver, i-message mo lang ako."

Dumating na ang order naming kape. Tastes so good!

"Oh my Macchiato! Ang sarap grabe." I giggled.

"Pagmamahal ang secret para makamit mo yung ganyang sarap." tumaas-taas pa ang mga kilay nito. "Speaking of pagmamahal, wala ka bang balak magka-boyfriend manlang?"

"Do I need that in life? For sure sasakit lang ang ulo ko sa pagga-ganyan." I mean, totoo naman e.

"Come on, Cali. Nagka-boyfriend na ako, naghiwalay na kami't lahat pero wala ka  pa ring pinapakilala sa 'kin."

His Lustful Proposal - (Ongoing)Where stories live. Discover now