Chapter 2

53 2 0
                                    

Place: Samaniego Club
Time: 9:00 P.M.
Date: Saturday, July 24

Good day, Cali! This is Michelle. I hope you're doing fine today. Sorry if this is so sudden but you're invited to my birthday party. See you soonest!

Agad akong napapisil sa nose bridge ko at napapikit. Wala akong time magsaya dahil sobrang dami ko pang kailangang tapusing papers.

Habang nag-iisip ako, tumunog muli ang phone ko at binasa ko ang mensahe na galing kay Eugene.

Fr: Eugene
Sis! Na-invite ka ba sa party ni Michelle?

To: Eugene
Wala naman akong balak pumunta e. Sabihin ko nalang na busy ako kasi totoo naman e.

Fr: Eugene
Alam ko namang gustong-gusto mo talagang umasenso ang kompanya mo pero syempre minsan lang naman tayong magsasaya e! Sulitin mo na!

To: Eugene
Baka hindi ko matapos agad 'to. Mayroon nalang akong 2 days para mapirmahan lahat ng kung sakali mang a-attend ako. Ngalay na yung mga kamay ko.

Fr: Eugene
Promise last na 'to. Sumama ka na para may kasama rin ako. 'Di ba mga kaklase natin mga chupipay jusko! Ikaw lang nakita kong matino.

Hay! Ayaw talagang magpatalo!

To: Eugene
Oh siya sige na, sasama na ako. Basta last na 'to ha? Sobrang busy ko talaga sa kompanya e.

Fr: Eugene
Yehey! The best ka talaga! See you sa saturday!

"Hay kapagod." reklamo ko habang ina-arrange ang mga papeles. "Steph!" tawag ko sa secretary ko.

"Yes Ma'am Cali? May kailangan po kayo?" tanong nito.

"Do I have a scheduled meeting later?"

"No, Ma'am. Dapat po meron kaso pina-cancel po ng Covel Enterprise dahil meron daw po silang emergency. May possibility po na next week ang meeting niyo with them same with Sivern Agency po."

I sighed in relief. Mabuti naman kung gano'n. Yes! May pahinga ako!

"Thank you. You may continue what you're doing."

Tiningnan kong muli ang mga papeles sa harap ko at napangiti. Kaya kong matapos 'to within this day or kahit hanggang bukas nang umaga.


***

"SIR, mayroon pong imbitasyong binigay ang kapatid niyo. Pinasasabi rin po ni Sir Kobe na kapag hindi kayo nakapunta, kakalimutan niya na kayo bilang kapatid." bungad na balita ni James, ang sekretarya ko.

The fuck?!

"Tell him to send me the details about this party."

"Right away, Sir."

After a couple of minutes, dumating ang kaibigan kong si Tristan. He's reliable when it comes to investigating someone.

"Anong nalaman mo?" tanong ko.

"Here," sabay bigay nito ng envelope. "Si Calithea Moricelli ay anak ng mag-asawang Caitlyn at Arthur,"

sabi ko na nga ba

"Ang pamilya Moricelli rin ay may koneksyon sa mga Jones. Dalawang pamilya na kalaban ng pamilya mo."

"Should I just kill her then?" I asked while grinning.

"Kung ako man ang tatanungin Leon, pwede mo siyang gamitin sa ibang bagay. Use her as bait to bring the Jones and Moricelli down." seryosong sabi nito.

"I am not that heartless, Tristan."

"But come to think of it, Leon. Their family is one of many reasons why you almost gave up on life before."

That's the truth

Malaki ang agwat ng pamilya namin sa kanila. Hindi nila masabayan ang kompanya namin dahil mas mataas ang ratings at nasa pinaka-mataas na posisyon ito sa buong mundo. Dahil sa inggit ng mga Jones at Moricelli, nagsanib pwersa sila para pabagsakin ang kompanya namin. They were happy while we're struggling because of them. They succeeded with their plan. Noong nagkaroon ng sakit si Dad, sila ang una kong nilapitan dahil nagbabaka-sakali ako na matulungan nila kami pero hindi. Kahit umulan nang malakas, hindi nila ako pinapasok sa loob ng kompanya nila. Isinumpa ko noon na kahit ako lang mag-isa ay pababagsakin ko ang kompanya ng Jones at Moricelli.

And now I'm here. The company is back at walang-wala iyon sa nagsanib pwersang Jones at Moricelli.

"Thanks for the idea, bro." I said. "James! I may not be free this week but send her the details next week. I'll have a dinner meeting with Miss Calithea." I said while smirking.

"Will do, Sir." then James left.

I'll make sure that you'll feel what I felt before.

***

"

DONE!" I shouted with joy. Buti nalang talaga natapos ko na.

"Ma'am, okay lang po ba kung maaga akong uuwi? Susunduin po kasi ako ngayon ng boyfriend ko e." paalam ni Steph.

"Yeah. Maaga rin naman ang uwi ko para makapag-pahinga ako." I smiled at her habang inaayos ko ang mga gamit ko sa bag.

"Yung papers po pala Ma'am kukunin ko na po para ma-submit ko na bukas."

"Here you go." sabay abot ko sa kaniya ng mga papeles.

"Ingat kayo, Ma'am Cali!" masigla nitong pagpapaalam.

"Ikaw din." I smiled at her.

Phew! Kapagod! Buti nalang talaga at wala na akong gagawin bukas.

Ngayon, poproblemahin ko naman kung anong susuotin ko sa birthday celebration ni Michelle. I called Eugene.

"What's the problem, bestie?"

"Any suggestions ng pwede kong suotin sa party? Sa susunod na araw na 'yon."

"What about something sexy? Something fitted na for sure e makakahakot ka ng papi" sabay tawa pa nito.

"You know me, that's not my style. I'm more into something you call "manang" kasi bruha ka."

"Kasi totoo naman. Sa sobrang work-a-holic mo, nakalimutan mo na ang fashion."

"Oo na. So 'yon lang talaga masusuggest mo?"

"Yep. It's time for you to change 'no. Pick me up tomorrow, pupunta tayo sa mall. Ako na bahala sa susuotin mo."

"Sure. Hindi rin naman ako busy since tapos na workloads ko. See yah!" then I hanged up the call.

I drove my car home. This time, I made sure I paid attention on the road. Mahirap na baka kung ano nanamang klase ng kotse ang mabangga ko.

Speaking of, ang tagal namang tumawag ni Mr. Luxury Car. I mean, hindi naman sa afford na afford kong bayaran yung nasira ko ha pero kasi may konsensya pa rin namang bumabalot sa katauhan ko.

Isa pa ro'n ay bakit ako tinawagan ng Montegremory? Our family's business is famous but no one can beat Montegremory's.

I know the story about their family. Sa pagkakatanda ko, bumagsak na noon ang Montegremory pero hindi mo 'yon mapapansin dahil ngayon ay mas successful daw ito kaysa noon.

Hope to meet you soon, Mr. Montegremory

His Lustful Proposal - (Ongoing)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora