“'Wag ka ng magalit sa 'kin. Iniisip lang naman kita.”

“I know. Okay, let’s not talk about them.”

Panandalian silang natahimik at naramdaman ang pagkailang nila sa isa’t isa. Hindi alam ni Spencer kung paano niya sasabihin ang mga bagay dapat ay sasabihin niya kay KL dahil na din sa maliit na pagtatalo nila ni KL. Nabibingi na din si KL sa katahimikan sa kanilang dalawa kaya naman naisip na niya na mauna na lang magsalita.

“Spence, tungkol sa chance na hinihingi mo, binibigay ko na sa 'yo 'yon.” 

Nakatungo si KL habang sinasabi niya 'yon. Nahihiya siya sa mga sinabi niya. Hinihintay niya kasi na si Spencer ang magsalita pero naiisip niya na nahihirapan itong i-open ang topic na 'yon. Pakiramdam niya ay nagpopropose siya sa lalaking kaharap niya.

“Ibig sabihin ba niyan, pumapayag ka na maging girlfriend ko?”

Hindi sumasagot si KL at nakatungo pa din. Kung titingnan mo sila ay para silang mga teenager na nagliligawan.

“Tumingin ka sa 'kin ng deretso, Lariza.”

Sinubukan ni KL na tingnan si Spencer ng deretso at lalo siyang nahiya nang magtagpo ang mga mata nila. Hinawakan ni Spencer ang dalawang kamay niya at tiningnan siya nito ng deretso sa mga mata.

“Will you be my girlfriend, KL?”

“Y-yes, Spencer,” nakangiting sagot ni KL.

“Yes!” sigaw ni Spencer.

Sobrang saya ang naramdaman niya nang mapa-oo si KL. Pangalawang pagkakataon na ito pero parang unang pagkakataon pa din sa kanya.

“Pangako, hindi ko sasayangin ang chance na 'to.”

“Aba, dapat lang! Baka gusto mong masaktan?!”

“Syempre, ayoko. Sadista ka pa din talaga at hindi ka pa din nagbabago. Kaya mahal na mahal kita, eh.”

“Mahal din kita, Spence.”

Sa oras din na 'yon ay tumunog ang cellphone ni KL kaya tiningnan niya kung sino at nakita niya na tumatawag si Aine. Tiningnan niya din nun si Spencer para humingi ng hint kung dapat niya bang sagutin ang tawag pero sa huli ay naisipan niya na 'wag na lang sagutin ang tawag at inilagay niya din sa silent ang phone niya. Ayaw niya kasi na may mapagtalunan sila kaagad ni Spencer.

“Sino 'yon?”

“Si Aine.”

“Bakit hindi mo sinagot?”

“Hindi naman siguro 'yon importante. Baka nangangamusta lang siya sa nangyari ngayon.”

Nagbayad na ng bill si Spencer at umalis sila sa lugar na 'yon. 

“Saan naman tayo ngayon pupunta?”

“Manonood ng sine.”

“Mayroon pa ba ng ganitong oras?”

“Oo, last full show. May ticket na ako. Aabot pa tayo.”

Game of Love 2: Still in Love (PUBLISHED)Where stories live. Discover now