“Ako na ang lalabas.” Pagpepresinta ni Aine.

Tumayo si Aine para tingnan kung sino ang dumating at naiwan sina Steven at KL sa sala.

“Sagutin mo na 'yong kaibigan ko. Mahal na mahal ka pa din nun hanggang ngayon. 'Wag mo na siyang pahirapan pa dahil kitang kita naman na parehas lang kayo ng nararamdaman nun. Pakipot lang kayo,” payo ni Steven.

“Sa 'yo ko pa talaga 'yan maririnig Steven ah? It doesn’t sound like you.”

“Tinutulungan ko lang 'yong tropa ko.”

“KL, may bisita ka!” sigaw ni Aine galing sa labas.

Tumayo na si KL para lumabas at sinalubong siya ni Aine.

“Good luck with your so-called friendly date or meeting. Take care, KL! Bye!” 

“Thank you, Aine.”

Paglabas ni KL ng gate ay nakita niya si Spencer na nakasandal sa kotse nito at may hawak na bouquet ng roses. Inabot niya din ito kaagad kay KL nang makita niya ito.

“Thanks, Spence.”

“Let’s go?”

Tumango lang si KL at pinagbuksan siya ng pinto ng sasakyan ni Spencer. Kumain sila sa isang restaurant na gustong kainan noon ni KL pero hindi niya pa nakakainan dahil ayaw nitong gumastos ng mahal.

“KL.”

“Hm?”

“Ngayon na naaalala na nina Jin at Gab ang isa’t isa, pwede bang tayo naman?”

“Spencer, alam mo naman na hindi pa nagiging sila ulit. Hindi ba dapat tinutulungan muna natin silang dalawa?”

“Lariza, tama na 'yan. Hindi pwede na puro sila lang ang iniintindi mo. Paano ka naman? Paano tayo? Hindi pa ba sapat na natulungan na natin sila na maalala ang isa’t isa? May sarili ka ding buhay kagaya nila. Matanda na sila at kaya na nila ang sarili nila.”

“'Wag kang maging selfish, Spencer.”

“Hindi ako selfish, KL. Ginawa na natin ang makakaya natin, hindi ba? Malaki na din ang naitulong natin sa kanila at kung ano man ang problema nila, kaya na nilang ayusin 'yon ng wala tayo. Pahalagahan mo din 'yong ibang bagay na meron ka dahil baka dumating ang araw na  mawala 'yon sa 'yo.”

“Are you saying that you’ll give up on me if I won’t stop? Are you threatening me?”

“KL, hindi ganun 'yon.”

“Then what?”

“Sinasabi ko lang na dapat hindi lang sa kanila umiikot ang buhay mo. Hindi mo dapat inuubos ang oras mo sa kanila. Hindi na dapat natin sila pinapakialaman pa. Isipin mo din ang sarili mo at ang kaligayahan mo. Pwede mo naman gawin ang mga bagay na para sa 'yo habang tumutulong ka sa kanila, hindi ba?”

Hinawakan ni Spencer ang kamay ni KL na nakapatong sa lamesa.

“KL, it is now the time for you to think of yourself. You already helped them in many ways. Ilang buwan ka na nandito pero puro sila lang ang iniisip mo.”

“I get it, Spencer. I understand what you’re trying to say. Thank you for making me realize what I’ve been doing these past few months. You’re right.” Sarcastic na sinabi ni KL.

Game of Love 2: Still in Love (PUBLISHED)Where stories live. Discover now