ACT 3: JINSEI WA MIJIKA SUGIRU-II

Magsimula sa umpisa
                                    

"Ewan ko kay Regine." - sagot ni ate.

"Wala ah." - sabi ko.

"Raisa may bisita ka." - nakangiting sabi ni yaya Maring.

"Si-sino po?" - tanong ni ate.

Binuksan ni yaya Maring ng malaki ang pinto. Nakita namin si kuya Ace.

"Ngayon na lang tayo magkikita ulit ganyan ka pa munchkin." - sabi ni kuya Ace.

Nagmadali siyang lapitan at yakapin si ate. Napaluha si ate.

"Hero wag ka ng aalis. Gusto kitang makasama." - sabi bi ate.

May ibinulong si kuya Ace kay ate pero hindi naman namin naintindihan. Inaya muna ako ni kuya Ace sa labas dahil may gusto daw sya itanong tungkol kay ma'am Mylene. Ang dati naming teacher.

Someone's POV

   Di ko alam kung bakit hindi pa din nawawala ang tinig na naririnig ko gabi gabi. Kaya pumunta ako sa isang kaibigan.

"Shi kahit patay na si Jonathan ay naririnig ko pa din ang anito." - sabi ko.

"Dahil nasa akin ang anito. Gusto kong dalhin mo ito sa school nyo at ilagay sa gitna ng school kung saan makikita ng lahat. Ibibigay natin ang sumpa sa buong school." - sabi ni Shi.

"Kung ganoon uulitin natin ang nangyari noong nakalipas 22 taon?" - tanong ko.

"Oo, dahil may gusto akong patunayan." - sabi ni Shi sabay halik sa kanyang alagang kambing.

Ngumiti ako sa kanya at kinuha ang anito. Nasabik ako sa mga sinabi niya. Gusto kong kumain ng mga lamang loob. Gusto kong kumain ng mga pusong galing sa mga inosenteng estudyante.

Ace's POV

   May ibinulong ako kay Raisa. Nung niyakap ko siya.

"Munchkin, sasamahan na kita sa lahat ng oras." - sabi ko.

Tapos ay inaya ko si Regine sa labas ng kwarto ni Raisa.

"Regine malala ba ang sakit niya?" - tanong ko.

"May lukemia siya kuya Ace. At ang sabi ng doktor ay malala na ito. Maaring hindi na siya tumagal hanggang sa susunod na taon." - lumuluhang sabi ni Regine.

Di napigil ng mga mata kong lumuha. Nagsisisi ako dahil lumayo pa ako sa kanya. Sana ay itinuon ko na lang lahat ng oras ko kasama sya.

Sana mas matagal ko pa siyang nakasama. Pumasok ako sa kuwarto ni Raisa.

"Bukas papasok ka na Munchkin?" - tanong ko.

"Ano ka ba linggo bukas." - sagot niya.

"Oo nga pala. Mamasyal na lang tayo." - sabi ko.

"Kuya kailangan magpahinga ni ate Raisa." - sabi ni Frank.

"Baka yung movie marathon bawal din?" - tanong ko.

"Yan pwede yan. Pero mas maganda dito tayo matulog lahat tapos magkuwento ka ng mga nangyari sayo dun." - sabi ni Elmerson.

"Oo nga Ace. Madami kami gustong itanong sayo." - sabi ni Marian.

"Anong tanong?" - tanong ko.

"Kung nambababae ka ba dun." - sabi ni Raisa.

"Pambihira naman. Never akong nambabae." - sagot ko.

"WEEEEEH?!" - sabay-sabay nilang sabi.

Napakamot ako sa ulo. Sabay-sabay kaming nagtawanan. Biglang pumasok sa isip ko na napakaiksi lang ng buhay ng tao. Hindi mo pwedeng sayangin ang bawat minuto ng buhay mo kapag kasama mo ang mahal mo. Dahil di mo alam kung kailan ito mawawala sayo kaya pahalagahan mo at ingatan.

Marian's POV

   Nagkuwento si Ace ng mga pangyayari sa kanya nung nasa ibang bansa siya.

"Grabe may kaso din ng pagpatay sa pinoy kang nilutas Hero?" - tanong ni Raisa.

"Oo, at isa pa hindi ganoon kadali lutasin ang mga kaso. Dahil minsan maiisip mo na yung tunay suspek eh yung walang matinong alibi. Pero madalas sa mga nalutas kong kaso ay magaganda ang alibi ng mga suspek. Talagang planado ang krimen na gagawin." - pagkukuwento ni Ace.

"Bok paano kung magkamali ka sa nahuli mo?" - tanong ni Elmerson.

"Simple lang. Sisante ka at matatanggalan ka ng lisensya tapos pwede ka pang makulong." - sagot ni Ace.

"Edi wow." - sabi ni Elmerson.

Binatukan ko sya tapos ay nagtawanan kaming lahat. Pinagpahinga na namin si Raisa. Maging kami ay dinalaw na din ng antok kaya natulog na kami.

Author's Note:

   Sana lang ay nagugustuhan nyo po ang mga pangyayari sa istorya. Salamat po sa mga sumusubaybay.

Sumpa ng Nawawalang Anito II (Kuro no Taito)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon